Namataan is Melissa Ricks sa isang event hindi para sa isang endorsement kundi para suportahan ang kaniyang napapabalitang nobyo na si Paul Jake Castillo. Inamin ni Melissa na espesyal sa kaniya ang binatang si Paul Jake kaya ganun na lang ang suportang ibinibigay niya rito. Sigurado naman din daw si Melissa Ricks na ganun din ang gagawin sa kaniya ng binata kapag siya naman ang mayroong special event. Hindi itinago ng dalaga ang nararamdaman niya kay Paul Jake Castillo dahil balik normal na raw ang kaniyang buhay pag-ibig. Aminado naman si Melissa na si Paul Jake ang kasalukuyang nagpapasaya sa kaniya.
Inamin niya na nagkakamabutihan na sila ni Paul Jake Castillo at hindi niya raw ito idedeny. Matagal na rin umano silang magkakilala ng binata pero kamakailan lang sila nagkaroon ng pagkakataon para mas maging malapit pa sa isa’t-isa. Kinumpirma rin ni Melissa Ricks na halos tatlong buwan na ang relasyon nila ng ex-PBB housemate. Mapapansin na bukas na ngayon si Melissa sa pag-amin ng kaniyang relasyon sa binata hindi tulad noon. Matatandaang napabalita noon ang relasyon ng dalaga sa binatang si Jake Cuenca. Ayon kay Melissa Ricks, ayaw daw ng dati niyang nobyo na aminin niya noon ang kanilang relasyon.
Dagdag ng dalaga, hindi naman daw showbiz ang nobyong si Paul Jake Castillo kaya okay lang daw sa kaniya kung ipaalam ang relasyon nila sa publiko. Wala rin daw problema kay Melissa Ricks kung aminin nila ang kanilang relasyon ng nobyo dahil malalaman at malalaman pa rin naman ito ng mga tao sa paligid nila. Mas bukas na si Melissa sa kaniyang relasyon ngayon hindi katulad ng relasyon nila noon ng dating nobyo na aktor. Sa mga panahong iyon ay nahirapan din si Melissa Ricks para sa kalagayan ng kaniyang buhay pag-ibig dahil pareho silang may career na pinanghahawakan.
Bukod dito ay may pinapangalagaan din daw na love team si Melissa noon para sa kaniyang mga fans. Masaya ang aktres dahil naiintindihan daw ni Paul Jake Castillo ang kanilang kasalukuyang sitwasyon. Araw-araw din daw pumupunta si Paul Jake sa bahay ng dalaga kapag wala itong trabaho. Bilibi na bilb din si Melissa Ricks sa pinapakitang effort ng binata kahit pa busy sila pareho. Aniya, kahit na gabing-gabi na ay ginagawan pa rin daw ni Paul Jake ng paraan para lang magkita sila ng nobya.
Halos limang taon naman ang tanda ni Paul Jake sa kaniyang nobya na si Melissa kaya mas marami raw itong alam at karanasan pagdating sa isang relasyon. Kilala na rin ng pamilya ng aktres ang kaniyang bagong nobyo pero ang kaniyang ina ay hindi pa ito nakikita nang personal dahil kasalukuyang nasa Amerika. Nakilala na rin ni Melissa Ricks ang pamilya ni Paul Jake Castillo noong nakraang Holy Week at natutuwa siya dahil mababait ang mga ito.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment