Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang dalagang aktres na si Cristine Reyes patungkol sa kinasangkutan nilang gulo ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Ara Mina. Sa isang interview kay Cristine ay nabanggit nito kung gaano kahalaga ang kaniyang pamilya kung kaya ito raw ang naging dahilan nang pagpasok niya ng showbiz. Matatandaang nagsampa ng kaso si Ara laban sa kapatid na agad na gumawa ng ingay sa industriya. Dahil umano ito sa mga hindi magandang nasabi ni Cristine Reyes laban sa kaniyang ate Ara Mina.
Bukod dito ay marami rin daw umanong nadamay na ibang tao sa kanilang awayan kung kaya hindi naging maganda ang reaksyon ni Ara rito. Aniya, sa pamamagitan ng kaniyang isinampa na kaso ay umaasa siya na matututunan na ng kapatid na si Cristine ang leksyon nito.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na humingi ng tawad si Cristine Reyes kay Ara Mina sa harap ng mga kamera. Matatandaang umiiwas noon ang dalagang aktres kapag nababanggit ang patungkol sa awayan nila ni Ara at nananahimik na lamang. Sa naging pahayag ni Cristine ay nabanggit nito na gusto nitong humingi ng tawad sa kaniyanag ate dahil sa sama ng loob na idinulot niya. Halata sa mga mata ni Cristine Reyes ang mga namumuong luha ngunit ipinagpatuloy niya pa rin ang mensahe niya para kay Ara Mina. Aniya, sinubukan niya umano ang lahat ng kaniyang makakaya para pumunta sa kaniyang kapatid at personal na humingi ng tawad. Ayon pa kay Cristine, handa siyang lumuhod sa harap ni Ara para lang mapatawad siya nito. Umaasa ang dalagang aktres na mapapatawad na siya ni Ara Mina para maayos na ang gulo sa pagitan nila at upang matahimik na ang kanilang pamilya.
Pinipilit din umano ni Cristine Reyes na huwag maiyak dahil iniiwasan niya raw ilabas ang kaniyang emosyon sa telebisyon. Mas gusto raw maging positibo ng dalaga sa kanilang kasalukuyang sitwasyon ni Ara Mina. Aminado rin daw siya na marami siyang natutunan sa mga nangyari at nagsilbi itong hamon para sa kaniya. Narealize ni Cristine na sa lahat ng pagsubok sa buhay ay mas pipiliin niyang huwag sumuko dahil mayroon siyang natututunan dito. Ang problema nila ni Ara ay nagbigay na sa kaniya ng magandang leksyon sa buhay. Boring naman daw ang buhay kung walang problema kung kaya lalo raw tumitibay si Cristine Reyes sa mga pinagdadaanan niyang mga pagsbuok partikular na ang kanilang awayan ng kapatid na si Ara Mina.Â
0 comments:
Post a Comment