Aminado si Mr. Fu na nagulat siya sa mga binitiwang pahayag ng kaniyang co-host na si Ruffa Gutierrez sa Paparazzi matapos ang birthday presentation nito. Matatandaang inanunsiyo mismo ni Ruffa ang kaniyang pag-alis sa programang Paparazzi sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account. Isa kasi si Mr. Fu sa mga host na nagtanong kay Ruffa Gutierrez patungkol sa mga lalakeng naugnay sa kaniya na hindi naman sinagot ng beauty queen dahil tila nabastos daw ito.
Nilinaw naman ng DJ na wala umano siyang binanggit na foul term sa kaniyang binulong sa co-host. Ayon pa sa binatang host, apat na beses na nila itong ginawa sa naturang segment at parte raw talaga ito ng kanilang programa.
Kinumpirma rin ng host na sa guest lang nila ito ginagawa pero dahil kaarawan ni Ruffa ay napag-isipan umano ng staff at writers na iupo na rito ang beauty queen. Para kay Mr. Fu, katuwaan lamang ang nangyari dahil espesyal na araw ito ni Ruffa Gutierrez. Base sa mga sunod-sunod na hinanakit na tweets ng dalagang host matapos ang naturang show ay kitang-kita na hindi nito nagustuhan ang naging resulta ng kanilang segment. Sa isang panayam kay Mr. Fu ay humingi ito ng tawad kay Ruffa dahil nasaktan ito sa mga katanungan sa kaniya. Nilinaw naman ng co-host ni Ruffa Gutierrez na wala talaga silang intensiyon na sirain ang birthday celebration nito sa sariling programa.
Paglilinaw ng host at DJ, hindi nila kayang bastusin ang kanilang kasama sa programa dahil siya ang star ng show. Itinanggi ni Mr. Fu na bastos ang kaniyang naging katanungan para kay Ruffa Gutierrez kung kaya hindi raw nito nagustuhan ang nangyari at nagtangkang umalis ng naturang show. Aniya, sinabi niya sa co-host na hindi niya na kayang i-elaborate pa ang kaniyang katanungan dahil alam na umano ng dalaga kung ano ang gusto niyang itanong dito. Aminado rin si Mr. Fu na hindi niya ito kayang sabihin kay Ruffa dahil hindi talaga sila masyadong close.
Wala ring ideya si Mr. Fu na hindi pala talaga nagustuhan ni Ruffa Gutierrez ang naging segment nila dahil tila okay naman daw ito nang matapos ito at nagpaalam pa sa kanila. Nagawa pa raw nga siyang imbitahan ng dating beauty queen sa kaniyang birthday party sa darating na June 30. Nilinaw naman umano ni Mr. Fu sa co-host na huwag nitong seseryosohin ang tanong niya rito kung kaya inakala niya ay hindi apektado ang dalaga sa katanungan. Nang mabasa ng binatang DJ ang mga tweet ni Ruffa Gutierrez ay agad siyang nagpadala ng text dito pero hindi siya nakatanggap ng reply. Naiintindihan naman ng DJ ang naging reaksyon ni Ruffa sa mga pangyayari at hindi na lang daw niya tatapatan ito. Umaasa na lamang daw si Mr. Fu na kung aalis nga si Ruffa Gutierrez sa naturang programa ay sana raw ay maging maayos ang kanilang samahan.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment