Matapos ang birthday presentation ni Ruffa Gutierrez sa kaniyang programang Paparazzi sa TV5 ay nasundan ito ng mga galit na post sa kaniyang Twitter account. Ang unang-unang naging post ni Ruffa ay ang salitang “KALURX!!!” at nasundan pa ng pag-amin na hindi siya natuwa sa ibinigay na presentation ng Paparazzi sa kaniya dahil hindi umano siya binigyan ng respeto. Ang ikinagalit pa daw ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi ay binastos siya ng mga ito sa harap ng kaniyang mga anak na nanonood sa studio. Maging ang head ng PROGRESS Gold Milk ng Wyeth ay nasa studio rin umano ng Paparazzi kung kaya nasaksihan din ang pambabastos umano kay Ruffa. Dagdag pa ng host, hindi raw magagawa sa kaniya iyon ng dati niyang showbiz-oriented talk show ng Kapamilya network na The Buzz.
Ang sinasabing pinagmulan ng inis ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi ay dahil umano sa bastos na katanungan patungkol sa mga lalaking na-link sa kaniya noon. Binanggit din ng host sa Twitter na hindi na siya magiging bahagi ng Paparazzi dahil hindi niya kayang kunsintihin ang pambabastos na ginawa hindi lang sa kaniya kundi pati sa kaniyang mga anak at mga manonood. Dismayado si Ruffa dahil kailangan pang masaksihan ng kaniyang dalawang anak na sin Lorin at Venice ang hindi kanais-nais na nangyari sa kaniya sa Paparazzi. Naroon ang mga bata para umano makita ang reaksyon ng ina sa kanilang ginawang handmade card para sa kaarawan ni Ruffa Gutierrez.
Sa naturang segment ng Paparazzi ay nakikitang nakaupo si Ruffa ang sa harap ng live studio audience kasama ang kaniyang mga co-host na sina Cristy Fermin, Zoren Legaspi, Mr. Fu at Mariel Rodriguez. Sa segment na ito ay magtatanong ng pabulong ang mga kasamang host ni Ruffa Gutierrez kung saan sasabihin niya sa audience ang kaniyang sagot kahit pa hindi nila alam ang naging katanungan sa kaniya. Noong una ay nagkakasiyahan pa ang mga ito pero nang tumagal ay tila halatang iniiba na ng dating beauty queen ang topic dahil umano sa mga sensitibong katanungan sa kaniya patungkol sa mga lalakeng naugnay sa kaniya noon.
Matapos ng naging reaksyon ni Ruffa sa ginawa ng Paparazzi ay agad na dinaan ng kaniyang ina ang galit nito sa sariling Twitter account. Ayon kay Annabelle Rama, kinakailangan na daw tanggalin ang mga writers ng Paparazzi dahil hindi umano nakakatawa ang kabastusan nilang ginawa kay Ruffa Gutierrez. Dagdag niya pa ay dapat daw ilagay sa 2am slot ang mga writers ng Paparazzi at hindi sa tanghali. Tulad ng kaniyang anak na babae ay nadismaya rin ang talent manager dahil nanonood ang kaniyang mga apo nang maganap ang hindi kanais-nais na pangyayari sa sariling birthday celebration ni Ruffa Gutierrez.
Agad namang nagpadala ng opisyal na pahayag ang Kapatid network kung saan ipinapalabas ang programang Paparazzi. Ang management ng naturang network ay gagawa umano ng aksyon mula sa nangyaring insidente na kinasangkutan ni Ruffa Gutierrez na mainstay host mismo ng Paparazzi. Wala na rin daw balak ang host na bumalik pa sa Paparazzi sa susunod nitong episode. Nangako naman ang Kapatid network sa mga manonood at sa iba pang sangkot na gagawan nila ito ng karampatang aksyon.
0 comments:
Post a Comment