Nasa pitong buwan na ng pagbubuntis si Angelica Jones nang magpaunlak siya ng isang interview sa Startalk noong July 21. Isang doktor naman umano ang ama ng dinadala ng dating aktres at komedyante na pinangalanan niya sa interview. Si Gerlad Alday na konsehal sa San Jose, Batangas ang kasalukuyang nobyo ni Angelica. Biniro naman ni Joey de Leon si Angelica patungkol sa kaniyang pagbubuntis at nobyong si Gerald. Hindi gumawa ng ingay ang relasyon ni Angelica Jones kay Gerald Alday hindi tulad ng dati niyang mga naging karelasyon. Nagkakilala ang magkasintahan dahil sa kanilang kaibigan na si Vice Governor Mark Leviste. Regional president si Angelica ng National Movement of Young Legislators ng Calabarzon at dito sila ng kakilala ni Gerald.
Ikinuwento naman ni Angelica Jones na naglilihi siya ng buko at ponkan nang simula siyang magbuntis sa kanilang anak ni Gerlad Alday. Hindi pa kasal ang magkasintahan pero nasa plano na raw nilang dalawa ito. Noong nakaraang Pebrero ay pumunta na raw ang binata sa Laguna para magpa-reserve ng cathedral church na pagkakasalan nila ng nobya. Sa January 8, 2013 ay inaasahang magpapakasal sina Gerlad at Angelica matapos manganak ng dating aktres. Nagpapagawa na rin si Angelica Jones ang kaniyang wedding gown at pati ang reception kasama ang kaniyang singsing ay inaasikaso na nila. Pero hindi pa raw niya kinukuha ang singsing nila ni Gerald Alday dahil gusto niya raw ito makuha sa tamang oras at tamang lugar.
Nilinaw din ni Angelica na walang sabit ang nobyo nitong si Gerald kaya sigurado na siya sa pagpapakasal dito. Si Governor Leviste na raw ang nagsabi na binata naman ang nobyo ni Angelica at maging siya ay dalaga rin kung kaya binigyan nila ang kanilang mga sarili ng pagkakataon na magkakilala hanggang nauwi na nga ito sa isang relasyon. Si Angelica Jones ay kasalukuyang 29-taong-gulang samantalang si Gerald Alday ay 34-taong gulang naman.
Ang dalaga rin mismo ang nagkumpirma na kaya nauna ang kaniyang pagbubuntis kesa sa pagpapakasal ay dahil sa kaniyang pagkakasakit. Nagkaroon umano si Angelica Jones ng myoma at cyst na kaniyang ikinabahala. Diumano’y baka hindi na raw siya mabuntis dahil sa kaniyang sakit. Buwan ng Nobyembre nang manligaw sa kaniya si Gerald Alday at noong Disyembere ay sinagot niya ito ngunit nang dumating ang buwan ng Enero ay nalaman nila na may sakit siya. Kasama raw ni Angelica na nagpa-check up si Gerald at doon nila nalaman na ang kaniyang cyst ay pwede magkaroon ng cancer at maaaring hindi siya magkaanak kahit kailan.
Kinakailangan daw noon operahan ang dalaga para tanggalin ang kaniyang matres at sa mga panahong iyon ay inamin nito na nalungkot siya nang sobra at maging ang kaniyang nobyo. Pumunta rin daw si Angelica Jones kay Bro. Mike Velarde ng El Shaddai at dito sinabi sa kaniya na ang magpapagaling sa kaniya ay ang pananampalataya sa Diyos. Pinag-pray over daw siya at pinakain ng dragon fruit at matapos ang dalawang linggo ay dalawang myoma na lang daw ang natira kay Angelica kung kaya tuwang-tuwa sila ni Gerald sa naging resulta. Sinamantala na rin daw nina Angelica Jones at Gerald Alday ang pagkakataong ito para magbuntis na ang dalaga.
0 comments:
Post a Comment