Masaya sina Jodi Santamaria at Richard Yap dahil sa magandang pagtanggap ng mga tao sa kanilang teleserye na Be Careful With My Heart. Higit pa umano sa inaasahan ni Jodi ang naturang balita dahil sa magandang ratings na nakuha ng kanilang serye ni Richard. Aniya, gusto talaga nila na magbigay ng kakaibang programa sa kanilang audience pagdating sa umaga. Hindi rin daw inaasahan nina Jodi Santamaria at Richard Yap na sobrang taas ang kanilang magiging ratings kahit pa ilang linggo lamang ang nakakaraan nang sila ay magsimula.
Aminado si Jodi na maaaring ito na ang ang hinihintay niyang pagkakataon para siya ay mag-shine bilang isang aktres. Halos 14 taon nang nasa showbiz si Jodi Santamaria at na-enjoy niya rin naman daw ang ginagawa niyang mga proyekto. Hindi katulad ng aktres ay mag-iisang taon pa lamang si Richard Yap sa industriya pero nakagawa na siya ng magandang pangalan dito. Hindi itinanggi ng dalawa na wala nang mapagsidlan ang kanilang saya at maging ang lahat ng cast ng serye dahil ang kanilang mga pinagpaguran ay may magandang resulta.
Noong nakaraang linggo ay pumalo na sa 21 percent ang isang episode ng serye nina Richard at Jodi. Naging consistent rin ang mataas na ratings ng serye nina Jodi Santamaria at Richard Yap kahit sa ordinaryong araw. Ayon sa businessman turned actor, hindi pa rin daw siya sigurado sa mga nangyayari dahi hindi niya rin daw ito inaasahan. Aminado si Richard  na wala pa siyang palano patungkol sa kaniyang pagiging full-time na artista dahil sumusunod lamang daw siya ngayon sa mga plano ng ABS-CBN sa kaniyang career. Kitang-kita ang magandang chemistry sa pagitan nina Richard Yap at ng aktres pero inaalalayan din nila ang isa’t-isa para lalo pang maging maganda ang kanilang tambalan.
Malaking hamon naman para kay Jodi ang kaniyang ginagampanang karakter ngayon. Mas kilala si Jodi Santamaria sa kaniyang pagiging dramatic actress kung kaya malaking adjustment umano ang kaniyang ginawa para sa bago nitong role. Dinadaan na lamang daw ng aktres sa timing ang lahat at nakikinig sa mga ka-eksena katulad ni Richard Yap para maibigay niya ang tamang reaksyon. Saludo naman si Richard kay Jodi dahil ang dalaga umano ang nagdadala ng kanilang programa. Aniya, support lamang daw siya kay Jodi Santamaria pagdating sa kanilang serye. Itinanggi naman ito ng aktres at iginiit na team effort ang ginagawa nila ni Richard Yap para sa kanialang matagumpay na programa.
0 comments:
Post a Comment