Muli na namang gumawa ng ingay sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo sa social networking site na Twitter dahil sa episode ng Sarah G. Live noong Linggo. Naging special co-host ni Sarah si Gerald para sa kaniyang special episode na bahagi ng kaniyang month-long birthday celebration. Nagkaroon ng dance number ang dalawa para sa kanilang opening kung kaya napuno na naman ng hiyawan ang buong studio dahil sa sobrang kilig. Isang interview naman ang naganap sa pagitan nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo bago matapos ang programa. Kitang-kita ang pagkukulitan ng dalawa habang nasa kalagitnaan ng interview kung kaya lalo pang kinilig ang mga audience.
Binalikan nina Gerald at Sarah ang mahahalagang panahon ng kanilang pagkakaibigan at kung paano sila nagsimulang maging malapit sa isa’t-isa. Nagbigay naman ng mensahe si Gerald Anderson matapos kumanta ni Sarah Geronimo para sa last portion ng programa. Kitang-kita rin ang madalas na paghahawak kamay ng dalawa na nasaksihan ng maraming manonood. Hindi naman nakalimutan ng binata na magbigay ng kaniyang birthday gifts sa singer. Ayon kay Gerald, umaasa siya na makamit na ni Sarah ang kasiyahan na hinihiling niya sa buhay.
Nagpasalamat naman si Sarah Geronimo sa mga ibinigay na regalo at mensahe sa kaniya ni Gerald Anderson. Aniya, napakalaking bagay sa kaniya ang kilig at inspirasyon na ibinibigay ni Gerald at sa lahat ng mga taong nanonood sa kanila. Umaasa naman daw si Sarah na tumagal na forever ang kanilang pagkakabiigan ng aktor. Hindi rin daw mawawala si Sarah Geronimo sa tabi ni Gerald Anderson bilang isang mabuting kaibigan.
Binigyan din ni Gerald ng magandang bulaklak si Sarah at nasundan pa ng isang kahon. Nang buksan ni Sarah Geronimo ang ibinigay na regalo ni Gerald Anderson na naglalaman ng T-shirt na may nakalagay na “Babe” ay natawa ito dahil tawagan ito ng dalawa sa isa’t-isa. Ang pangalawang regalo ng aktor sa dalaga ay isang orasan. Ayon kay Gerald, ang orasan umano ay nagsisimbolo para sa oras sa studies at career ni Sarah. Gusto rin umano ni Gerald Anderson na mabigyan si Sarah Geronimo ng oras para gawin ang kaniyang mga gustong gawin at maranasan.
Nais ni Gerald na gawin at sabihin na ni Sarah ang kaniyang matagal ng gustong makamit. Mahalaga umano ang oras kung kaya mahirap ito kapag nawala dahil maaaring hindi na ito makita pa. Matagal nang naibabalita ang espesyal na pagtitinginan ng dalawa pero iginigiit pa rin nila na nanatili lamang silang magkaibigan. Mas gusto umano ni Gerald Anderson na pangalagaan muna ang kanilang pagkakaibigan ni Sarah Geronimo dahil mas makakabuti raw ito para sa kanilang dalawa.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment