Magsasama sa kakuna-unahang pagkakataon ang magkaibigang Kris Aquino at Vice Ganda sa isang pelikula. Ang kanalang entry sa Metro Manila Film Festival ay sa ilalim ng Star Cinema na pinamagatang Sisteraka. Ito ang kauna-unahang film fest ni Vice kung kaya masaya siya dahil matagal na umano niyang gustong makasakay sa float. Ilang beses na ring sumasali si Kris sa festival pero madalas itong lumalabas sa mga horror movie pero ngayon ay lalabas na siya sa isang comedy film. Naniniwala si Vice Ganda na magiging effective ang kanilang tambalan ni Kris Aquino lalo na at malapit sila sa isa’t-isa. Asawa na rin daw ang turingan nina Vice at Kris sa isa’t-isa kung kaya hindi na sila nahihiya sa isa’t-isa.
Wala naman daw problema si Kris Aquino kung lokohin siya ni Vice Ganda sa kanilang pelikula dahil malalim na ang kanilang pinagsamahan. Ayon pa sa Queen of All Media, wala raw magiging problema kung balahurain siya ng kaibigan si Vice pagdating sa kanilang mga eksena. Kamakailan lang ay nanalo si Vice Ganda bilang Comedian of The Year na ipinarangal ng Yahoo OMG. Masayang-masaya naman daw si Kris Aquino sa tagumpay na nakamit ng kaniyang kaibigan. Ayon kay Vice, wala naman daw siyang strategic plans pagdating sa kaniyang pagpapatawa. Aniya, masuwerte lamang daw siya dahil nakakapanood siya ng news kaya lagi siyang may bagong bala para bigyan ng kasiyahan ang mga tao.
Aminado si Vice Ganda na mahirap para sa isang komedyante ang umasa lamang sa materyal kung kaya hindi na siya dumedepende sa mga script dahil mas gusto niyang maging spontaneous pagdating sa kaniyang mga ibinabanat sa mga tao. Parehong abala ang magkaibigang Vice at Kris sa kani-kanilang mga trabaho. Host ng kanilang mga sariling talk show sina Kris Aquino at kaibigang si Vice Ganda pero masaya sila dahil nagawan pa rin nila ng paraan para makagaw ng kanilang proyekto. Bagamat nakakaramdam ng pagod ang dalawa ay may pinanghuhugutan naman daw sila ng kanilang motibasyon pagdating sa pagtatrabaho.
Naikuwento rin ni Vice na noong isang araw ay halos 16 oras siyang nagtatrabaho at minsan ay hindi naman daw maiiwasan na bumigay din ang kaniyang katawan. Kilala rin si Kris Aquino bilang isa sa mga masisipag na artista sa industriya pero iginiit na ang kanilang trabaho ang nagpapasaya sa kanila. Pakiramdam naman ni Vice Ganda na ang pagpapatawa ang kaniyang purpose sa kaniyang buhay at nagkataon din na ito rin ang pagkakataon na siya ay kumikita. Minsan ay hindi na rin daw niya iniisip na trabaho ang kaniyang ginagawa dahil masaya siya sa kaniyang ginagawa.
Nagpapasalamat din si Vice dahil nakilala niya ang kaniyang kaibigang si Kris. Isang magandang pagkakaibigan ang nabuo sa pagitan nina Vice Ganda at Kris Quino kung kaya itinuturing ito ng komedyante bilang isang malaking biyaya galing sa Panginoon. Kaya raw pinahahalagahan ni Vice ang mga dumadating sa kanilang biyaya ni Kris kesa magreklamo sa pagod ng katawan. Hindi na rin makapaghintay ang magkaibigang Kris Aquino at Vice Ganda na ipakita sa mga tao ang kanilang proyektong talaga umanong magpapasaya sa mga tao.
0 comments:
Post a Comment