Ipinagmamalaki ng aktor na si Joross Gamboa ang kaniyang entry para sa Cinemalaya na pinamagatang Intoy Syokoy ng Kalye Marino. Ikinuwento ni Joross na naging kakaiba ang kaniyang karanasan sa shooting ng pelikula. Ang karakter ni Joross Gamboa bilang Bertong Baka ang dahilan kung bakit hindi siya nagpatawa sa kaniyang mga eksena hindi katulad ng kaniyang mga nakasanayang proyekto. Hindi rin daw makapag-punchline ang binata sa mga eksena sa Intoy Syokoy dahil hindi ito kinakailangan. Hindi rin daw ngumingiti si Joross sa kaniyang mga eksena kung kaya pinanindigan niya na ito.
Ipinaliwanag naman ni Joross Gamboa ang kaniyang karakter sa pelikulang Intoy Syokoy ng Kalye Marino. Aniya, madalas may problema si Berto kung kaya madalas bad trip ang kaniyang hitsura. Ngayong lamang daw nagawa ng binatang si Joross ang ganitong karakter kaya masaya siya rito. May mga eksena rin umano ang aktor kung san siya ay nakahubad pero may pang-ilalim na takip naman na aakalain umano ng marami na wala.
Inilarawan naman ni Joross Gamboa ang naging karanasan niya sa kaniyang pag-shooting at kasama na rito ang kakaibang mga bagay na nasaksihan niya sa unang pagkakataon. Aniya, baka dito na raw magsimula ang bagong kategorya na Best Dirty Drama Actor and Actress. Nag-shoot umano sina Joross sa comfort room kung saan butas lamang ang pinaglalagyan ng dumi ng tao. Kapag umaga ay wala raw shooting sina Joross Gamboa at iba pang cast ng Intoy Syokoy dahil marami raw ang na hindi kanais-nais na nakikita sa naturang butas.
Mataas ang respeto ni Joross sa kaniyang pelikula dahil pagod at puyat ang kaniyang naging puhunan dito. Nagpapasalamat din siya sa pelikulang ito dahil nabuo ang kanilang pagkakaibigan ng kaniyang mga kasamang cast. Mas nagiging natural din daw ang pag-arte nina Joross Gamboa dahil madalas silang magkasama ng kaniyang mga cast at nagtatagal sa naturang lugar. Kinokonsidera naman ng binata na nagbigay raw ng swerte ang kaniyang mahabang buhok sa pelikulang Intoy Syokoy at iba niya pang mga proyekto ngayong taon.
Hindi itinanggi ng binata na namimiss niya rin ang gumawa ng teleserye dahil matagal niya na itong hindi nagagawa. Ibinalita rin si Joross Gamboa na natapos niya na ang kursong Masscom sa Southville International School pagkatapos ng maraming taong binuno niya habang ipinagsasabay ang kaniyang trabaho. Ngayong nga ay napagsabay na rin ng aktor ang kaniyang pag-aaral at ang paggawa ng pelikulang Intoy Syokoy ng Kalye Marino.Â
0 comments:
Post a Comment