Bagamat punong-puno ang schedule ng aktor na si Coco Martin ay nagawa niya pa ring gumawa ng pelikula para sa Cinemalaya. Ang pelikulang Sta. Niña ang Cinemalaya entry ni Coco para sa taong  2012. Nakilala si Coco Martin sa kaniyang mga indie films na pinagbidahan at sa kaniyang mga natanggap na parangal dahil dito. Isiningit lamang daw ng binata ang kaniyang schedule sa indie film dahil namimiss niya na raw gumawa ng ganitong pelikula. Hindi naman nakaramdam ng pagod ang aktor nang ginawa niya ang Sta. Niña dahil nag-eenjoy naman daw siya sa kaniyang ginagawa. Ginawa ni Coco Martin ang pelikulang Sta. Niña nang matapos ang kaniyang pelikula kasama si Angeline Quinto.
Naging co-producer naman si Coco sa Sta. Niña dahil gusto niya raw tulungan ang kaniyang mga kapwa indie actors na mabigyan ng break sa showbiz katulad niya. Naramdaman din daw noon ni Coco Martin ang hirap lalo na kapag walang budget dahil kinakailangan pa nila noon na makiusap sa iba’t-ibang tao para lang matuloy ang pelikula. Ito na raw ang oras ni Coco para ibalik ang tulong lalo na sa mga artista na kasamahan niya sa Sta. Niña. Nang inalok daw kay Coco Martin ang naturang pelikula ay nabanggit niya sa kaniyang direktor na willing siyang magbigay ng pinansyal na suporta rito para lalo itong mapaganda.
Sinasabing si Coco ang naging inspirasyon ng maraming aktor para pumasok sa indie film. Ang Sta. Niña ang huling pelikula na ginawa ni Coco Martin ngayong siya ay unti-unti nang nakikilala sa mainstream. Ayon sa binata, nagbunga na raw ang kanilang pinaghirapan dahil dati-rati ay iilan lamang ang gumagawa ng indie film. Nagpapasalamat naman si Coco dahil umiiba na ang tingin ng mga tao pagdating sa indie film. Proud na proud din umano siya sa pelikulang Sta. Niña dahil alam niyang magiging malaking inspirasyon ito para sa marami.
Ang istorya ng Sta. Niña ay umiikot sa karakter ni Coco Martin na si Pol na nakahukay ng kabaong ng kaniyang anak sampung taon na ang nakakaraan nang ito ay pumanaw ngunit nanatiling buo ang katawan nito. Naniniwala si Pol na isa umanong magandang senyales ito at maaaring makagamot ng may mga sakit. Nagtatrabaho ang karakter ng binatang aktor sa isang quarry na natabunan ng lahar kung saan niya natagpuan ang bangkay ng anak na si Marikit. Mapapanood sa Sta Niña kung paano naapektuhan ang karakter ni Coco Martin sa malaking pagbabago nang iuwi niya ang katawan ng anak.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment