Nagkabati na sina Nadia Montenegro at Gretchen Barretto matapos ang ilang taong hindi nia pagkikibuan. Nangyari ito sa mismong lamay ng Comedy King matapos na magkaabutan ang dalawa sa naturang lugar. Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawang Regal babies noong 2008 nang ipagkalat diumano ni Nadia ang hindi magandang balita patungkol kay Gretchen at sa naugnay sa kaniya na si Dody Puno. Natuldukan na ang halos apat na taong tampuhan nina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro noong July 13 matapos magkita at magyakapan.
Kuwento ni Nadia, nauna siyang dumating sa lamay bago pa si Gretchen. Kasama ng dating aktres ang kaniyang kapatid samantalang kasama naman ng Princess and I star ang kaniyang partner na si Tonyboy at ang kapatid na si Marjorie. Nagkatinginan umano sina Nadia Montenegro at Gretchen Barretto at parehong nginitian ang isa’t-isa. Bumalik si Gretchen sa kinatatayuan noon ni Nadia at niyakap ang kaniyang kaibigan. Matagal umano ang kanilang naging yakapan at natutuwa siya dahil nagkabati na sila ni Greta.
Nagtawanan naman sila nang magbiro si Gretchen Barretto na ginulo umano ni Nadia Montenegro ang kaniyang buhok. Nagkita rin daw noon sina Gretchen at Nadia sa lamay ng yumaong direktor na si Douglas Quijano taong 2009 sa parehong lugar. Ayon pa kay Gretchen Barretto, hindi na raw sila dapat magkita sa mga lamay ng kaibigang si Nadia Montenegro at matapos nito ay sabay na silang pumasok sa chapel.
Naramdaman naman ni Nadia na totoo at may senseridad ang ginawang pagyakap sa kaniya ni Gretchen. Hindi naman daw nawawala ang komunikasyon ni Gretchen Barretto sa kapatid ni Nadia Montenegro na si Tania. Matagal na rin daw nakaalalay sa kaniya at sa kaniyang mga anak ang kaibigan kung kaya hindi na raw kailangan pang malaman ito ng marami. Ayon kay Nadia, bukal pareho sa kanilang loob ni Gretchen ang kanilang muling pagkakasundo.
Noong nagkita raw si Nadia Montenegro at Gretchen Barretto ay wala naman daw siyang naramdamang kahit anong negatibo rito. Hindi lamang daw nagkaroon ng pagkakataon ang magkaibigan na magkita at magkausap sa loob ng apat na taon. Hindi naman daw bibiglain ni Nadia ang kanilang pagsasama muli ni Gretchen dahil mas mahalaga ay nagkita at nagkaayos na sila. Parehong hindi inaasahan nina Nadia Montenegro at Gretchen Barretto ang kanilang pagkikita. Natutuwa rin ang dating aktres dahil pakiramdam niya ay ang Comedy King pa rin ang gumawa ng paraan para magkaroon ng kapayapaan.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment