Si Mylene Dizon mismo ang nagkumpirma tuluyan na nga silang naghiwalay ng kaniyang boyfriend na si Ira Cruz. Nagkahiwalay na rin noon sina Mylene at Ira bago pa ang kanilang dalawang taong relasyon. Si Ira Cruz ang dating gitarista ng bandang Bamboo. Matatandaang nang maghiwalay sa unang pagkakataon ang magkasintahan ay nagkaroon ng relasyon si Mylene Dizon sa modelong si Paolo Paraiso na ama ngayon ng kaniyang dalawang anak. Samantalang si Ira naman ay nobyo noon ng TV host na si Phoemela Baranda. Sa huli ay napagdesisyunan umano nina Mylene Dizon at Ira Cruz na muling maghiwalay ng kanilang landas sa pangalawang pagkakataon.
Ayon sa aktres, pareho nilang naging desisyon na tapusin na ang kanilang relasyon. Sinubukan naman daw nina Mylene at Ira na ayusin pa ang kanilang samahan bilang magkasintahan pero hindi na raw nila ito mababalik pa sa dati. Minabuti na raw nina Mylene Dizon at Ira Cruz na itigil na kesa aksayahin pa ang oras ng isa’t-isa. Single na nga ang aktres at kasalukuyang may dinidate na non-showbiz. Bagamat nananatiling single ang dalagang aktres ay masaya naman daw siya sa kaniyang dalawang anak. Malulusog umano ang mga ito at nagpapasalamat siya dahil masasaya ang mga bata kahit pa hiwalay sila ng kanilang ama.
Nagkakasundo naman daw sina Ira at mga anak ni Mylene pero sa ngayon ay mas gugustuhin na muna ng dalaga na manatiling single. Ilang taon din daw niyang nakasama si Ira Cruz kung kaya gusto niya na muna magpahinga sa pakikipagrelasyon. Mas enjoy raw ngayon si Mylene Dizon sa pagiging single dahil nagagawa niya raw ang kaniyang mga gustong gawin. Aminado ang aktres na magiging kumplikado kung kasama niya sa industriya ang kaniyang dini-date. Mas gusto niya raw na maramdaman ang seguridad sa isang lalake. Halos apat na taon ang itinagal ng unang relasyon noon nina Mylene at Ira pero tila wala ng balak balikan ng aktres ang nakaraan.
Sa huling panayam kay Mylene Dizon ay nabanggit nito na malaking factor ang pagmamahalan nila ni Ira Cruz  sa kanilang pagbabalikan noon. Matagal na rin naman daw niyang alam na mahal niya talaga ang binata kahit sila ay nagkahiwalay na. Dagdag pa noon ni Mylene  na malaking bagay ang kaniyang tiwala sa sarili at sa magiging takbo ng pangalawang pagkakataon ng kanilang relasyon ni Ira Cruz. Aminado si Mylene Dizon na hindi siya ang marrying type kundi isa siyang loving type dahil gusto niya na nagmamahal ng tao. Wala naman daw problema si Ira dito dahil kuntento naman umano siya sa kanilang relasyon.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment