Ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang kasong libelo laban kay Ynna Asistio na isinampa ng kaniyang manager na si Annabelle Rama. Masayang-masaya naman daw si Ynna sa kinalabasan ng kaso ni Annabelle dahil alam niya naman umano na wala talaga siyang ginagawang masama laban sa manager. Alam ni Ynna Asistio na wala siyang sinabing masama laban kay Annabelle Rama kahit pa tingnan nito ang kaniyang mga interview. Inaasahan na rin daw ng Kapuso star na mangyayari ito dahil sigurado siya sa kaniyang mga binitiwang salita sa mga panayam na isinagawa sa kaniya.
Para kay Ynna, ipinaliwanag lamang daw niya ang kaniyang opinyon nang hindi nakakasakit taliwas sa mga sinasabi ng  manager na si Annabelle. Alam daw ni Ynna Asistio na wala siyang ginagawang masama dahil nagsasabi lamang umano siya ng totoo niyang nararamdaman at naranasan. Kinasuhan din ang dalaga ng Perjury ni Annabelle Rama at isinampa ito sa Pasig City. Paliwanag niya, hindi niya raw alam kung ano ang ibinibintang sa kaniya ni Annabelle dahil hindi niya raw alam kung ano ang gustong mangyari ng talent manager.
Handa naman daw lumaban si Ynna kahit ano pa ang ibato sa kaniya dahil hawak niya umano ang katotoohanan. Ito ang dahilan kung bakit handang-handa umano si Ynna Asistio na humarap at lumaban kay Annabelle Rama. Naniniwala ang aktres na ang katotohanan ang umiral sa huli. Nagpapasalamat din si Ynna dahil hindi sila pinapabayaan ng kaniyang inang si Nadia Montenegro na sinampahan din ng kaso ni Annabelle. Nagpapakatatag din daw ang pamilya ni Ynna Asistio laban kay Annabelle Rama dahil gusto nilang ipakita sa buong mundo na totoo ang kanilang sinasabi.
Nagbigay naman ng mensahe ang aktres sa pamilya ng kaniyang dating talent manager. Aniya, kung ayaw daw ng mga ito na masaktan, masiraan at mabastos ang kanilang buong pamilya ay huwag na raw nila itong gawin sa iba. Naniniwala ang ina ni Ynna na harassment ang ginagawa ni Annabelle sa kaniyang anak. Hindi rin umanon nila maintindihan kung bakit kailangan pang idamay ni Annabelle Rama si Ynna Asistio sa hindi kapani-paniwalang kaso.
Gusto lamang daw pahirapan at siraan si Ynna ng dati nitong manager na si Annabelle. Matatandaang sinampahan ng kaso ni Annabelle Rama ang dalaga dahil tinawag daw siya ni Ynna Asistio na bugaw. Pinapasa-Diyos na lang din daw ng mga Asistio ang mga nangyayaring kaguluhan sa ngayon. Nanalig din ang pamilya ni Ynna na malilinawan din ang marami dahil alam nila na nagsasabi sila ng totoo kumpara kay Annabelle.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment