Hindi itinanggi ng batikang direktor na si Joey Reyes na apektado siya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kaibigan nitong si Sharon Cuneta. Napapadalas na ang mga balitang lumalabas patungkol umano sa pagpatol ni Sharon sa kaniyang mga bashers sa Twitter. Marami ang nakakakita kung paano sagutin ng Megastar ang mga hindi magagandang sinasabi laban sa kaniya ng mga taong hindi siya gusto. Hiling ni Direk Joey ay may magsabi sa kaibigan na itigil na ang pagpatol niya sa mga tao sa Twitter. Makalipas ang isyung ito ay nabanggit ni Joey Reyes na nabalitaan niyang tumigil na umano sa pagtu-tweet si Sharon Cuneta laban sa kaniyang mga bashers.
Nakarating na rin daw kay Sharon ang mga mensaheng ibinigay ni Direk Joey sa kaniya. Nag-text pa raw si Sharon Cuneta kay Joey Reyes para iparating na natanggap na nito ang advice ng direktor. Marami na daw ang nagsasabi sa Megastar patungkol sa mga pagsagot niya sa mga taong naninira sa kaniya. Para kay Joey Reyes, wala raw obligasyon si Sharon Cuneta na sagutin o magpaliwanag  sa mga tao kahit pa patungkol ito sa kaniyang anak na si KC. Matatandaang ang huling insidente sa Twitter na kinasangkutan ng singer-host ay ang mga paninira umano sa kaniyang panganay na anak.
Hindi na rin umano kailangang bumaba ni Sharon sa lebel ng mga taong hindi siya nagugustuhan dahil para kay Direk Joey, hindi kailangan ng kaibigan ng pagbabalahura mula sa ibang tao. Matagal nang naging bukas si Joey Reyes patungkol sa kaniyang malungkot na reaksyon sa nangyayari kay Sharon Cuneta sa Twitter. Lalo naman daw malalait ang kaibigan dahil sa pagpatol nito sa mga sinasabi sa kaniya laban sa Twitter.
Matatandaang nagkatrabaho na sina Sharon at Direk Joey noong taong 1997 sa pelikulang Nang Iniwan Mo Ako ng Viva Films. Noong una niya umanong sinabihan si Sharon Cuneta patungkol sa isyu ay dinedma lamang siya kung kaya wala na siyang nagawa rito. Para kay Joey Reyes isa umano itong hakbang para sa career suicide ni Megastar.
Kamakailan lang ay lumabas ang balita na tatanggaling na umano ang programa ni Sharon Cuneta sa TV5 na nabalitaan din ni Joey Reyes. Agad niya naman itong sinagot sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account. Aniya, walang katotohanan ang mga lumalabas na espekulasyon patungkol sa kaniyang programa. Nabanggit din ni Sharon Cuneta na hindi niya na papatulan ang mga taong pilit na naninira sa kaniya dahil hindi naman daw siya kilala nito kung kaya hindi na siya mag-aaksaya ng oras para sagutin pa ang mga naturang isyu na walang katotohanan.
0 comments:
Post a Comment