Nasurpresa si Nikki Gil sa pagdating ng kaniyang boyfriend na si Billy Crawford sa ASAP habang ito ay sa kalagitnaan ng paghohost. Aminado si Nikki na sa mga panahong iyon ay gusto niyang yakapin si Billy pero pinigilan niya lamang ang sarili dahil nahihiya siya sa maraming tao. Dalawang buwan din na nawala si Billy Crawford sa showbiz nang pumunta itong France para i-revive ang kaniyang naiwang international career doon. Masayang-masaya naman si Nikki Gil dahil nagkaroon na sila ng date ng nobyo noong Lunes matapos nitong umuwi sa bansa. Pakiramdam umano ng dalaga ay nagbalik sila unang araw nilang pagkikita ni Billy apat na taon na ang nakakaraan.
Bago umalis papuntang Europe ang binata ay inamin nito na bukod sa kaniyang mga kasama sa show ay mamimiss daw talaga niya ang nobya nitong si Nikki. Masaya naman si Billy dahil nakapag-adjust sila ng nobya sa kanilang long distance relationship. Aminado namn si Nikki Gil na hindi siya masyadong naapektuhan nito dahil naging abala umano siya sa kaniyang teleserye kung saan gumaganap siya bilang isa sa mga bida. Naging malaking bagay din umano ang komunikasyon ng magkasintahan para hindi nila masyadong mamiss ang isa’t-isa.
Inaasahan din na babalik si Billy Crawford sa kaniyang mga naiwang show na ASAP at It’s Showtime. Inamin noon ni Nikki na pati ang mga magulang niya ay nanibago dahil hindi niya na kasamang madalas ang kaniyang nobyo. Sanay na raw kasing ang mga magulang ng dalaga na kumakain si Billy sa kanilang tahanan. Bagamat nalayo sa isa’t-isa ng ilang buwan ay sigurado naman sina Nikki Gil at Billy Crawford na babawiin nila ang mga oras na nawala sa kanila. Hindi maitago ang kasiyahan ng magkasintahan dahil muli na naman silang magasasama nang masaya.
Sa pag-alis ni Billy ay hindi naman nawala ang mga balitang tuluyan na umano silang naghiwalay ng nobyang si Nikki. Hindi naman dito nabahala ang host turned actress na si Nikki Gil dahil alam naman daw nila ni Billy Crawford ang totoo. Iniiwasan din umano ng dalawa na magpaaepekto pa sa mga intriga dahil wala itong naitutulong sa kanilang relasyon. Itinanggi rin ni Nikki ang mga balitang magpapakasal na sila kapag bumalik si Billy sa bansa. Aniya, marami pa umano silang obligasyon na dapat tuparin sa kanilang mga trabaho. Naniniwala si Nikki Gil na makakapaghintay ang pagpapakasal nila ni Billy Crawford sa tamang oras at panahon.
0 comments:
Post a Comment