Simula nang naging bukas sina Venus Raj at Andrei Felix sa kanilang relasyon ay kumalat na ang balita na mauuwi na sa kasalan ang pagsasama ng dalawa. Ayon kay Venus, tumitibay raw ang kanilang relasyon ng nobyong si Drei habang ito ay tumatagal. Kumportable na rin daw sina Venus Raj at Andrei Felix sa isa’t-isa at ngayon ay sobrang masaya na sila sa kasalukuyang estado. Kapansin-pansin din daw na naging bukas na ngayon ang beauty queen sa usaping pag-ibig nito.
Walong buwan na ang relasyon nina Venus at Andrei simula nang sila ay magkatrabaho sa kanilang morning show. Hindi naman itinanggi ng dalawa na nag-aalinlangan sila noon kung sasabihin ba nila sa publiko ang kanilang tunay na relasyon.
Natatakot din daw noon si Venus Raj na maaaring hindi nila makaya ni Andrei Felix ang maaaring lumabas na mga chismis o intriga patungkol sa kanilang dalawa. Hindi naman daw ito maiiwasan ng magkasintahan dahil pareho silang nasa industriya ng news and current affairs. Naghintay lamang daw ng tamang oras sina Venus at Andrei kung kailan pwede na nilang aminin sa lahat ang kanilang pagmamahalan. Halos apat na buwan din silang nanahimik patungkol sa kanilang relasyon kaya nang magdesisyon silang aminin na sa publiko ay lalo pa umanong gumaan ang kanilang pakiramdam.
Nararamdaman din naman ni Venus Raj na nahahalata na rin ng mga tao sa kanilang paligid ang kanilang paglabas ni Andrei Felix na magkasama. Hindi itinanggi ng dalaga na isa sa mga nagustuhan niya sa kaniyang kasalukuyang nobyo ay ang pagiging sweet umano nito. Ilang taon na rin ang nakakalipas bago pa magkaroon muli ng nobyo si Venus Raj at itinuturing niyang swerte ang sarili dahil si Andrei Felix ang kaniyang nakilala.
Higit naman daw sa kanilang inaasahan ang nangyari sa kanilang relasyon. Aminado si Venus na bata pa siya nang magkaroon siya ng kaniyang unang karelsyon kung kay hindi niya masyadong naisip ang mga bagay-bagay patungkol sa importansya ng pagiging bukas sa kaniyang relasyon. Maging si Andrei ay kakapasok lang din sa isang relasyon matapos ang mahabang panahon na pagiging single. Bukod sa pagiging nobyo ay itinuturing din ni Venus Raj bilang isang matalik na kaibigan ang kaniyang nobyong MYX VJ.
Hindi raw inakala noon ni Venus na bukod sa pagiging boyfriend ay pwede rin umanong maging kaibigan ang binatang si Andrei. Mas maganda raw na maging magkaibigan sa relasyon dahil mas mauunawaan umano nila ang isa’t-isa. Sa ngayon ay ine-enjoy na lang daw muna nina Venus Raj at Andrei Felix ang kanilang relasyon. Sa ngayon ay kinokondisyon na lamang daw nila ang isa’t-isa na sila na ang magkakasama habang buhay. Ayaw na rin naman daw nilang maghanap ng wala dahil sapat na raw kung ano ang mayroon sa kanilang relasyon.
0 comments:
Post a Comment