Aminado si Jolina Magdangal na nainis siya nang unang lumabas sa Twitter ang pagkamatay ng Hari ng Komedya na si Dolphy noong gabi ng July 10. Hindi naman daw pinaniwalaan ni Jolina ang mga lumabas na balita sa Twitter dahil wala raw kasiguraduhan ang kaniyang mga source. Matatandaang nagkagulo ang mga tao sa Twitter nang una ritong lumabas ang balitang wala na nga si Dolphy. Tinext naman agad ni Jolina Magdangal ang anak ni Dolphy na si Eric Quizon patungkol dito ngunit hindi umano nito sinasagot ang kaniyang mga mensahe. Sunod ay tinawagan ng singer-actress ang kaibigang si Karylle pero hindi raw ito sigurado sa mga nangyari.
Hindi na napigilan ni Jolina ang kaniyang emosyon nang sabihin ni Eric na mas masaya na ang langit ngayong nandoon na si Dolphy. Alam ni Jolina Magdangal na mas masakit pa ang nararamdaman ng mga kamag-anak ng kaniyang Tatay Dolphy sa nangyari ngunit isa na rin itong paraan para makapagpahinga na mula sa sakit at hirap ang komedyante. Nagkaroon ang aktres ng pagkakataon na makatrabaho si Dolphy sa kanilang pelikula na Home Alone Da Riber na naging entry pa sa Metro Manila Film Festival noong  2002.
Ikinuwento ni Jolina kung paano siya kinabahan noong una niyang malaman na si Dolphy ang kaniyang makakatrabaho ngunit hindi nagtagal ay lalo pa raw tumaas ang kaniyang pagtingin sa kaniyang idolo. Lagi umanong ipagmamalaki ni Jolina Magdangal na nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho si Dolphy. Nag-iisa lamang ang Hari ng Komedya kung kaya isang malaking kayamanan ang karanasan na pinagsaluhan nilang dalawa. Nasaksihan niya rin umano kung paano ipinakita ni Dolphy  ang kaniyang pagiging propesyonal na artista kahit pa isa na siyang beteranong aktor.
Minsan daw ay nauuna pa si Dolphy sa call time nito kahit na matagal pa ang kaniyang mga eksena. Marami rin daw natutnan si Jolina Magdangal sa mga kuwentong ibinahagi sa kaniya ng Comedy King. Itinuturing din niyang mentor si Dolphy sa kaniyang naging pagiging artista sa industriya.
Nais ni Jolina Magdangal na manatili sa kaniya ang magagandang alaala na iniwan ni Dolphy noong sila ay sandaling nagkasama sa trabaho. Bagamat isang pelikula lamang ang pinagsamahan nila noon ni Dolphy ay masakit pa rin para kay Jolina ang kasalukuyang balita. Iniwasan din pumunta noon ni Jolina sa ospital dahil ayaw niyang makita ang kalagayan ni Dolphy na maraming tubo na nakakabit sa kaniyang katawan. Nais rin iparating ni Jolina Magdangal ang kaniyang pakikiramay sa mga pamilyang naiwan ng kaniyang idolo na si Dolphy.Â
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment