Nagbigay si Ronnie Quizon ng pasasalamat na mensahe at announcement ng schedule para sa public viewing ng mga labi ni Dolphy sa Facebook group na Independent Cinema Aritists of the Philippines. Si Ronnie ang anak ni Dolphy sa dating aktres na si Baby Smith. Kaptid si Ronnie Quizon ng mga aktor na sina Eric at Epy. Noong July 10 ng gabi ay pumanaw na nga si Dolphy dahil sa mga komplikasyon sa katawan at paghina ng kaniyang kidney at iba pang organs.
Nagpaumanhin din si Ronnie sa lahat ng mga taong kumu-contact sa kaniya simula nang pumanaw si Dolphy.
Naging abala sina Ronnie Quizon at iba niya pang mga kapamilya sa pag-asikaso ng burol at libing ng kanilang namayapang ama. Nangako naman si Ronnie na babalikan ang mga tumawag at nagte-text sa kaniya kapag nagkaroon na siya ng bakanteng oras. Sa mga gustong magbigay ng huling respeto kay Dolphy ay nagbigay ng ilang request si Ronnie para sa mga ito. Sa mga bibisita umano sa burol ay gusto ng pamilya na magsuot ang mga tao ng puting damit dahil ito umano ang paboritong kulay ni Dolphy. Nais din nina Ronnie Quizon na mag-donate na lang ang mga tagahanga sa DOLPHY AID Para Sa Pinoy Foundation imbes na magpadala ng bulaklak. Mas gusto raw kasi ni Dolphy na matulungan pa ang ibang mga kababayang Pilipino.
Dito rin inilagay ni Ronnie Quizon ang schedule kung kailan makikita ang labi ni Dolphy sa ABS-CBN. Simula ala-una ng hapon ay bubuksan ang Dolphy Theater para sa mga empleyado ng network na gustong makita ang labi ng komedyante. Matapos nito ay bubuksan ito sa publiko sa alas-nuwebe ng gabi. Matapos nito ay ibabalik na nina Ronnie ang labi ni Dolphy sa Heritage Park. Sa araw ng July 12 ay binubuksan ang mga pinto para sa mga TV5 employees iba pang Kapatid stars kasama ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak. Dagdag ni Ronnie Quizon, wala pa silang napapagkasunduan ng GMA-7 kung kaya maghintay na lamang umano sa iba pang announcement.
Sa darating na July 13 at 14 ay muling bubuksan ang pinto para sa publiko simula 8:00 am – 3:00 pm. Matapos nito ay ibibigay na naman ang oras na ito sa mga kapamilya at malalapit na kaibigan ni Dolphy. Kinakailangan din daw makipag-usap ang mga bibisitang kaibigan sa mga kapamilya nina Ronnie Quizon para magkaroon ng clearance. Sa darating na Linggo, July 15 ang magiging libing ni Dolphy ngunit wala pa itong pinal na announcement.
Mariing sinabihan ni Ronnie na iwasan ang pagdala ng camera dahil hindi sila mag-aatubili na kunin ito o paalisin ang mga taong kukuha ng litrato o video ng kanilang ama. Pipilitin naman daw ni Ronnie Quizon na asikasukhin ang mga taong gustong gumawa ng arrangements sa pamilya ni Dolphy. Sa huling mensahe ng binata ay ipinaabot niya na gusto ng amang si Dolphy na ngumiti ang mga tao sa tuwing maaalala nila ang Hari ng Komedya. Aniya, ito raw ang gusto ni Dolphy dahil nakakapagpasaya rin daw ito sa kaniya kahit pa siya ay nasa kabilang buhay na. Inilagay rin ni Ronnie Quizon ang isang linya ng paboritong kanta ni Dolphy mula kay Charlie Chaplin na , “You’ll find that life is still worthwhile, if you just smile. “
0 comments:
Post a Comment