Patuloy na pinapahanga nina Piolo Pascual at Jericho Rosales ang TV viewers sa kanilang husay sa pag-arte gabi-gabi sa top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na "Dahil sa Pag-ibig."
Kuwento ng dalawang bidang aktor, bagama't matagal na sila sa industriya, hindi biro para sa kanila ang mga eksena ng komprontasyon at suntukan na ginawa nila sa nasabing teleserye. Ani ni Piolo, "Napagod ako kasi sobrang bigat ng mga eksena namin. Hindi biro ang karakter ng isang pari na maraming pinagdadaanan sa buhay."
Kakaibang paghahanda naman ang ginawa ni Echo para mapabuti ang kanyang pagganap bilang si Oliver. "Kinailangan ko pang mag-workout para paghandaan ang mga eksena namin. Iyon kasi talaga ang pinaka-concern ko para sa banggaan namin ni Piolo," pahayag niya.
Samantala, lalo namang umiinit ang mga tagpo sa "Dahil sa Pag-ibig" ngayong tuluyan nang nakuha ni Oliver ang loob ng kanyang mortal na kaaway na si Leo (Christopher de Leon). Magtagumpay kaya siya na sirain ang pamilya Valderama o mapipigilan pa siya sa kanyang masasamang balak ni Fr. Alfred? Paano magbabago ang buhay nina Oliver at Fr. Alfred kapag natuklasan nila na sila ay tunay na magkapatid?
Huwag palampasin ang "Dahil sa Pag-ibig," gabi-gabi, pagkatapos ng "Walang Hanggan" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @dahilsapagibig_ sa Twitter, o i-'like' ang http://facebook.com/dahilsapagibig.tv. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment