Inamin ni Jason Francisco na magmula nang maghiwalay sila ni Melai Cantiveros ay wala na siyang niligawang ibang babae dahil balak niya ulit ligawan ang ex. Kahit pa pinipilit ng mga tao sa paligid ni Jason na humanap na ito ng iba ay tila hindi pa rin daw kaya ng binata na kalimutan si Melai. Matapos ang ilang buwang hindi pag-uusap nina Jason Francisco at Melai Cantiveros noong February ay naging kumportable na rin sila sa isa’t-isa. Nababalitaan na rin daw ni Jason na mayroong bagong manliligaw si Melai pero tila hindi raw siya kumbinsido rito. Ayon kay Jason Francisco, kilala niya umano si Melai Cantiveros at hindi ito basta-basta nagpapaligaw sa iba nang basta-basta.
Tila naman nagpapahiwatig si Jason na maaaring mabigyan muli ng pagkakataon ang kanilang pag-iibigan ni Melai. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nawawala sa kaniyang isipan ang panliligaw muli sa dating nobya. Pareho lang naman daw sila ng nararamdaman ni Melai Cantiveros dahil ayaw nilang madaliin ang kanilang mga sarili. Parati raw nababanggit ni Jason Francisco sa dalaga na wala silang dapat asahan sa isa’t-isa dahil hindi naman sila magkarelasyon. Ngayong civil na sa isa’t-isa ang dating magkasintahan ay lalo pa raw silang naging mas masaya dahil walang selos na nagaganap. Sinasabing ang pagiging selosa umano ni Melai ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Jason.
Nagagawa rin naman daw lumabas nina Jason Francisco at Melai Cantiveros kahit pa medyo abala rin sila sa kani-kanilang mga trabaho. Hanggang ngayon naman daw ay nananatili pa rin ang nararamdaman ng binata sa dalagang aktres. Gusto lang daw ibalik ni Jason ang mga magagandang pinagsamahan nila noon ni Melai. Hind lang naman daw ito madaling kalimutan para kay Jason Francisco dahil espesyal na tao pa rin sa kaniya si Melai Cantiveros.
Naniniwala naman ang binata na maaaring sa huli ay sila pa rin ang magkatuluyan ng dating nobya. Aniya, halos magkapreho sila ng ugali at iniisip ni Melai. Kung sakali namang hindi iyon mangyari ay umaasa si Jason Francisco na mapunta si Melai Cantiveros sa lalakeng aalagaan ang dalaga. Nakasalalay na rin naman daw sa dalaga kung sino ang gusto niyang makasama pero ang nais ng binata ay ang hindi na masaktan ang babaeng nananatiling espesyal sa kaniya.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment