Matapos ang pagsampa ng kasong libel at grave coercion ni Ara Mina sa sariling kapatid na si Cristine Reyes ay hindi pa rin nagkakasundo ang magkapatid. Nakatanggap lang umano si Ara ng text message mula kay Cristine pero hindi niya na umano ito sinagot. Magkikita sana sina Ara Mina at Cristine Reyes sa preliminary hearing para sa kasong isinampa pero ang abogado lamang ng huli ang sumipot sa Quezon City Prosecutor’s Office. Nagbigay lamang ng counter affidavit ang kampo ni Cristine at hindi sumipot sa schedule. Pumunta naman si Ara sa korte para sagutin ang sinabing counter affidavit ng kaniyang nakakabatang kapatid.
Magkikita na sana sina Ara Mina at Cristine Reyes sa kasal ng kanilang kapatid na gaganapin sa June 8. Tila hindi naman ito matutuloy dahil lilipad papuntang Dubai si Ara para sa isang show. Aniya, hindi ata sila pinapagtagpo ng tadhana kung kaya wala na rin daw siyang magagawa rito. Hindi naman pwedeng umayaw si Ara sa naturang show dahil matagal na itong nakabook. Ang huling text na natanggap niya mula kay Cristine ay noong May 9 na isang pagbati sa kaniyang kaarawan. Hindi naman din daw humihingi ng tawad si Cristine Reyes kay Ara Mina patungkol sa maga nagawa niyang kasalanan sa kaniyang ate.
Aminado naman ang aktres na si Ara na matagal niya nang napatawad si Cristine pero pursigido pa rin umano siyang ituloy ang kasong isinampa. Ito ay hindi daw para sa kaniyang sarili kundi para sa mga nasaktan na tao ni Cristine Reyes sa kalagitnaan ng kanilang awayan ni Ara Mina. Kahit raw hindi na humingi ng tawad sa kaniya ang kapatid ay mapapatawad na rin daw ito ni Ara. Ang nais niya lang ay maramdaman niya na totoo ang paghingi ng tawad ng dalaga sa kaniya at hindi lang dahil sa pagpapakita sa media.
Inaasahan na man daw ni Ara Mina na magkakaayos din sila sa huli ng kaniyang kapatid na si Cristine Reyes dahil isa silang pamilya. Hiling niya ay humingi rin ng paumanhin si Cristine sa ibang taong nasagasaan sa mga pangyayari. Bukod sa dalawa ay ang isa umano sa mga apektado sa mga nangyayari ay ang kanilang ina. Ayon kay Ara, naaawa na rin naman daw siya sa kanilang ina dahil hirap ang kalooban nito sa mga pangyayari. Ang ipinaglalaban lang naman daw ngayon ni Ara Mina ay hindi para sa kaniyang sariling kapakanan kundi pati na rin daw kay Cristine Reyes.
Ayon naman sa mga abogado ng dalagang si Cristine ay bukas ang kaniyang kliyente sa pakikipag-ayos. Nakalagay sa afffidavit ni Ara ay ang request para magbigay ng public apology ang kaniyang kapatid. Hindi na rin inilabas ni Ara Mina ang mga taong nasagasaan umano sa kanilang awayan dahil pawang mga pribadong nilalang umano ang mga ito. Hindi rin gusto ng dating aktres ang mga tila pagkunsinti ng mga taong nakapaligid kay Cristine Reyes.
0 comments:
Post a Comment