Kumpirmado na ang American Idol runner-up na si Jessica Sanchez ang kakanta ng pambansang awit ng Amerika sa laban ni Manny Pacquiao. Makakalaban ni Pacman ang Amerikanong si Timothy Bradley sa Las Vegas. Kinumpirma ng Top Rank Entertainment na aawitin ni Jessica ang Star-Spangled Banner na pambansang awit ng bansang Amerika. Nauna nang naibalita na hiniling noon ni Manny Pacquiao na ang dalagang si Jessica Sanchez ang aawit sa kaniyang laban.
Kinumpirma rin ng Mexican-Filipina ang kaniyang pagkanta sa laban sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account. Ayon sa dalagang si Jessica, excited na raw siyang kumanta sa makasaysayang laban ni Manny at Timothy.
Magaganap ang laban sa MGM Grand Garden Arena in Las Vegas kung saan madalas idaos ang mga laban ni Manny Pacquiao. Ito ang unang pagkakataon na haharap muli si Jessica Sanchez sa madaming audience kabilang na ang mga kababayan niyang mga Pilipino. Kahit na hindi si Jessica ang naatasang kumanta ng pambansang awit ng Pilipinas ay may nahanap naman ang kampo ni Manny ng isang dalaga na maaaring gumawa nito. Ito ay si Kriby Asunto na kilala bilang isang Filipino-American Broadway star.
Kasama ni Jessica Sanchez ang kapwa Filipino na magpeperform sa mahigit 16,000 na live audience. Bukod dito ay haharap din sila milyon-milyong manonood sa telebisyon kabilang na ang buong bansa ng Pilipinas. Bago pa simulaln ni Jessica ang kaniyang tour kasama pa ang ibang American Idol finalists ay kakanta muna siya  sa gitna ng boxing ring kasama ang kapwa Pilipino na si Manny Pacquiao. Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga tao sa hindi pagkanta ni Jessica ng Lupang Hinirang.
Marami ang umaasa na ang pambansang awit ng bansang Pilipinas ang aawitin ni Jessica kung kaya inimbitahan siya ni Manny noon. Matatandaang noong finals ng American Idol ay pumunta pa si Manny Pacquiao sa Kodak theater sa Los Angeles, California para magpakita ng suporta kay Jessica Sanchez pero hindi niya na ito naabutan. Ayon sa ilan, hindi umano alam ni Jessica ang naturang awitin at nasanay siya na kantahin ang pambansang awit ng Amerika dahil dito na ito ipinanganak at lumaki. Marami rin ang naghihintay sa mga tagahanga ni Jessica na magsalita ito ng Tagalog pero tila hindi umano ito nasanay dito. Wala naman umanong naging problema kay Manny Pacquiao kung aawit si Jessica Sanchez ng pamsang awit ng kaniyang kalaban.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment