Matapos ang ilang proyekto na pinagbidahan ni Jodi Santamaria ay muli na naman siyang pinagkatiwalaan ng ABS-CBN para bumida sa isang teleserye kung saan makakasama niya si Richard Yap. Matapos magpahinga ni Jodi sa paggawa ng serye ay muli na naman siyang makikita sa primetime kasama ang aktor na nakilala bilang Papa Chen. Nagpapasalamat pareho sina Jodi Santamaria at Richard Yap sa proyektong ipinagkatiwala sa kanila ng Kapamilya network. Si Richard ang magsisilbing leading man ni Jodi sa naturang serye. Ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Jodi Santamaria ang baguhang aktor ay excited na umano siyang makasama ito sa telebisyon.
Kahit pa umano tila pang teenager ang pagkakaroon niya ng loveteam ay masaya si Jodi Santamaria sa magagawa nilang chemistry sa telebisyon ni Richard Yap. Alam din daw ng aktres na marami siyang matutunan sa bagong serye at bagong leading man. Hindi kaila sa lahat ang pangalan na ginawa ni Richard sa industriya dahil sa pagganap niya bilang Chen Sy sa isa pang  teleserye na My Binondo Girl. Parehong nanggaling sa isang matagumpay na serye sina Jodi at Richard kung kaya inaasahan na rin daw na magiging maganda ang pagatanggap ng mga tao sa kanilang pagtatambal.
Iikot ang istorya ng bagong programa sa dalawang taong nagmamahalan na kabilang sa magkaibang mundo. Hindi naman daw mawawala rito ang pagdiskubre ng mga karakter sa teleserye ng kanilang pagmamahalan. Ikinumpara ni Jodi Santamaria ang kuwento sa isang modern fairy tale. Ang magiging karakter ni Jodi Santamaria sa teleserye ay isang babaeng lumaki sa probinsya. Makikipagsapalaran naman sa Manila ang karakter ng aktres  hanggang magkakakilala sila ng karakter ni Richard Yap. Dito na umano magsisimula ang mga interisadong pangyayari sa pagitan nina Jodi at Richard.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang negosyanteng si Richard Yap sa mga ibinibigay na malalaking teleserye sa kaniya ng Kapamilya network. Matapos ang kauna-unahan niyang serye ay nasundan pa ito ng mas malalaking proyekto katulad ng Walang Hanggan. Bilang baguhang aktor ay gagawin umano ni Richard ang kaniyang makakaya para patunayan sa ABS-CBN na karapat-dapat siya sa naturang role. Sa unang pagpasok pa lang ni Richard Yap sa showbiz ay nabigyan na siya ng pagkakataon na makatrabaho ang malalaki at magagaling na artista ng industriya. Excited na rin daw siya na makatrabaho si Jodi Santamaria na kaniyang magiging leading lady.
Samantalang ang aktres naman ay tila masayang-masaya na sa kaniyang kasalukuyang estado. Kamakailan lang ay napabalita na kahit hiwalay na sila ng asawa ay naging magkaibigan na sila nito. Ngayong taon inaasahang ilalabas ang teleserye nina Jodi Santamaria at Richard Yap kung kaya parehong excited ang dalawa sa magiging pagtanggap ng kanilang mga tagahanga. Balak ipagsabay ng aktres ang kaniyang pag-aaral at pagtatrabaho samantalang sinasanay na rin daw ng baguhang aktor ang ipagsabay ang pag-aartista at pagnenegosyo.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment