Naging matagumpay ang grand fans day ni Daniel Padilla dahil bukod dito ay nagsilbi rin itong launching ng kaniyang debut album. Una nang inilabas sa Internet ang kaniyang single na Hinahanap-Hanap Kita na agad namang tinangkilik ng mga tagahanga ni Daniel. Naganap noong June 4 ang paglabas ang grand fans day ni Daniel Padilla sa SM North SkyDome. Kahit na sanay na ang binata sa mga mall show sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ay hindi pa rin niya napigilang mabigla sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa paglabas ng kaniyang debut album.
Natutuwa naman daw ang binatang aktor at singer dahil kahit hindi pa siya lumalabas sa stage ay hindi na magkamayaw sa pagsigaw ang kaniyang mga tagahanga partikular na ang mga teenager na babae. May nakarating namang balita kay Daniel Padilla ay mayroon siyang mga tagahanga na pumunta pa nang maaga para sa launching ng debut album niya. Masaya si Daniel dahil napapasaya niya ang mga tao sa paligid niya. Hindi lang sa pag-arte hinangaan ang binata dahil may naitatago din umano itong talento sa pagkanta kung kaya napagdesisyunan nila na maglabas ng kaniyang debut album.
Dalawang oras bago ang naturang event ay agad nang napuno ang mga upuan sa lugar. Apat na kanta na galing sa kaniyang debut album ang ibinahagi ni Daniel Padilla sa kaniyang mga fans. Bukod dito ay mayroong ding mga palaro na inahandog ang production para makasalamuha ng binata ang kaniyang mga tagahanga. Kasama ng aktor ang kaniyang mga magulang na sina Karla Estrada at Rommel Padilla. Maging ang miyembro ng banda ni Daniel Padilla na Parking 5 ay pumunta rin sa launching ng debut album ng kanilang kabanda.
Masaya siya dahil kitang-kita niya umano ang suporta ng mga magulang niya kahit na hiwalay na ang mga ito. Ipinagmalaki naman ni Daniel ang pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang na nagresulta sa hindi  niya pagrerebelde. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Daniel Padilla na makapaglalabas siya ng kaniyang debut album gayung isa siyang guitar player sa kaniyang banda at hindi ang lead singer.
Bago pa lumabas ang debut album ng binata ay una na siyang pinakanta sa Gandang Gabi Vice at dun niya lang naman daw naramdaman na masarap umano ang pakiramdam ng pagkanta.
Aminado naman si Daniel Padilla na lamang sa kaniyang grand fans day at launching ng debut album ay ang kaniyang co-star at napapabalitang nililigawan na si Kathryn Bernardo. Kasalukuyan umanong may trabaho ang dalaga kung kaya hindi ito nagawang dumaan sa album launch. Nakapag-usap na rin umano sina Kathryn at Daniel bago pa ang event. Kahit pa medyo nalulungkot si Daniel Padilla ay ramdam naman niya umano ang suporta sa kaniyang ng dalaga.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment