Hindi nagustuhan ni Annabelle Rama ang naging pahayag ng TV host at columnist na si Cristy Fermin patungkol sa pag-alis ni Ruffa Gutierrez sa programang Paparazzi. Magkasama ang panganay na anak ni Annabelle at Cristy sa showbiz-oriented talk show sa Kapatid network. Matatandaang nadismaya ang anak ni Annabelle Rama sa birthday presentation na inihanda nina Cristy Fermin para dito dahil nabastos umano siya. Ang pambabastos umanong nangyari ay naganap sa segment na Bulong ng Palad. Nagpaliwanag naman si Cristy sa kaniyang late-night entertainment show na Juicy! kung saan isa siya sa mga host. Na-brief na umano ang dating beauty queen sa naturang katanungan at wala rin daw kabastusan sa kanilang mga ginawa.
Ayon kay Annabelle Rama, sinabihan daw ang kaniyang anak tungkol sa segment na iyon ngunit iginiit na hindi raw nito alam ang mga katanungan ay puro kabastusan. Ang tanging alam naman daw ng dalaga ay magkakaroon ng bulungan na katanungan sina Cristy Fermin pero hindi niya alam kung ano ang magiging laman ng mga katanungang ito. Binalaan pa ni Annabelle ang TV host na si Cristy na manahimik na ito kung ayaw nitong magkaroon ng ikalawang yugto ang kanilang alitan na nangyari noon. Sinampahan noong taong 1995 ni Annabelle Rama si Cristy Fermin ng kasong libel dahil sa artikulo na isinulat nito patungkol sa asawa ng talent manager na si Eddie Gutierrez sa tabloid.
Noong taong 2008 ay napagdesisyunan ng Supreme Court na pagtibayin ang naunang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court at Court of Appeals na guilty si Cristy sa isinampang kaso ni Annabelle laban sa kaniya. Bukod kay Cristy Fermin ay pinagsabihan din ni Annabelle Rama ang bumulong sa anak niya ng malaswa. Ang tinutukoy dito ng talent manager ay ang kasamahan ng anak na si Mr. Fu kung saan pinapili ang beauty queen sa tatlong lalake na sina Zoren Legaspi, Robin Padilla at Aga Muhlach. Tinanong ng binata kung sino ang “may pinakamalaking…” at hindi na narinig ng mga manonood ang idinugtong dito ng host.
Tinawagan daw si Annabelle Rama ng kaniyang anak matapos nitong umalis sa kanilang studio at sinabi ang pambabastos na ginawa sa kaniya. Aminado ang ibang hosts kasama si Cristy Fermin na nabigla sila sa naging reaksyon ng birthday celerant dahil bago naman daw ito umalis ay ayos pa ang pakikisama nila sa isa’t-isa. Kinumpirma ni Annabelle na aalis lang ang anak sa programa niya at ni Cristy ngunit hindi naman aalis sa mismong istasyon. Wala naman daw balak maghain ng pormal na reklamo ang kampo nina Annabelle Rama laban kay Cristy Fermin at sa mga kasama nito pero kakakusapin daw nila ang management ng TV5 network.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment