Umamin na sa wakas ang Azkals player na si Phil Younghusband patungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Angel Locsin. Sa isang panayam ni Phil ay nabanggit niya na masayang masaya sila ngayon ni Angel kahit pa magiging busy ang aktres dahil sa bago nitong pelikula. Buong tapang na sinabi ni Phil Younghusband sa press na opisyal niya nang girlfriend si Angel Locsin. Matatandang umiiwas noon ang dalawa kapag naitatanong patungkol sa kanilang relasyon. Ang madalas na sagot ng aktres na si Angel dito ay walang label ang kanilang samahan ng binatang si Phil dahil mas mahalaga umano sa kanila na masaya sila sa piling ng isa’t-isa.
Sa ngayon ay masasabi ni Phil Younghusband na pagmamahalan at kasiyahan ang bumubuo sa kanilang relasyon ni Angel Locsin. Araw-araw raw ay nahuhulog ang loob ng dalawa sa isa’t-isa kung kaya ito raw ang naging dahilan kung bakit sinagot na ng dalaga ang binata. Noong May 27 umano ibinigay ni Angel ang kaniyang matamis na oo sa binatang si Phil. Matatandaang halos isang taon na ang nakakalipas nang mag-tweet si Phil Younghusband sa sikat na aktres na si Angel Locsin. Tinanong noon ng binata kung may pagkakataon ba silang mag-date pero tinanggihan ito noon ng aktres dahil may trabaho umano siya.
Hindi nagtagal ay nagbunga naman ang panunuyo ni Phil kay Angel at ngayon nga ay nauwi na ito sa isang relasyon. Hanggang ngayon ay hindi umano nagbabago ang pagmamahal ng Striker na si Phil Younghusband kay Angel Locsin. Nais umano ng binata na makasama ang nobya sa hinaharap at maramdaman pa ang kasiyahan kasama ang dalaga. Itinanggi naman ni Phil na magpapakasal na sila ni Angel ngayong opisyal na ang kanilang relasyon. Pareho rin umanong abala ang dalawa sa kani-kanilang mga trabaho kung kaya wala pa silang balak magpakasal.
Aalis si Phil Younghusband kasama ang kaniyang kapatid patungong England para asikasuhin ang mga bagay-bagay patungkol sa kanilang pamilya. Matapos daw nito ay babalik agad ang dalawa sa bansa para mag-ensayo. Wala naman daw problema kay Angel Locsin ang pag-alis ng nobyo patungong ibang bansa dahil magiging abala rin umano siya sa ibang bagay. Ayon sa mga taong malalapit sa dalawa ay nakikita nila kung gaano sinusuportahan ng magkasintahan ang isa’t-isa. Napatunayan na umano ni Angel Locsin ang kaniyang pagmamahal kay Phil Younghusband nang pumanaw ang ina ng binata. Kamakailan lang ay naging guest naman si Phil sa sitcom ni Angel kung saan hinangaan ng football player ang trabaho ng aktres. Â Kahit na parehong abala sina Phil Younghusband at Angel Locsin ay nagagawa pa rin naman daw nila magkaroon ng oras para sa kanilang relasyon.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment