Bukod sa pagiging aktor at singer ng binatang si Piolo Pascual ay lingid sa kaalaman ng marami na isa rin siyang matagumpay na producer. Masayang-masaya si Piolo dahil sa magandang pagtanggap ng tao ng ikatlong pelikula ng Kimmy Dora. Sa paglabas ng  Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme ay kumita na ito agad ng ilang milyon matapos ang isang linggo. Nagpapasalamat naman si Piolo Pascual sa magandang kinalabasan ng comedy movie dahil kailangang kumita ang pelikula para sa kinabukasan ng Spring Films. Noong Saturday ay umabot na umano ng halos P100 million ang kinita ng pelikula ni Piolo kung kaya umaasa siya na lalaki pa ito sa susunod na linggo. Nagkaroon din ng Thanksgiving Party sina Piolo Pascual at iba pang producers ng pelikula dahil sa pagtabo sa takilya ng naturang pelikula.
Aminado si Piolo na ayaw niyang magkaroon ng expectations pagdating sa bentahan ng Kimmy Dora ticket. Ang inaasahan lang umano ng binata ay ang suporta ng mga kaibigan at kakilala na naniniwala na magtatagumpay ang kaniyang proyekto. Nagpasalamat din si Piolo Pascual sa ABS-CBN at Star Cinema dahil sila umano ang tumulong para maabot nila ang kanilang target. Hindi naman daw makakahinga si Piolo at pati ang mga cast ng Kimmy Dora hanggang hindi nila nasisigurado ang break even ng pelikula. Hanggang ngayon ay naka-standby pa rin sina Piolo Pascual hanggang hindi pa nagiging okay ang bentahan.
Sa magandang kinita ng Kimmy Dora ay naging malaki ang pasasalamat ng binata sa mga taong tumangkilik nito at walang sawang nanood. Kahit na maganda ang kinalabasan ng dalawang pelikula ng Kimmy Dora ay ayaw pa rin ni Piolo na tawagin siyang matagumpay pagdating sa pagproduce ng mga pelikula. Hindi naman daw pwedeng i-claim ni Piolo Pascual ang titulong ito dahil marami na sa industriya ang establisadong producer ng ibang produksyon.
Para sa aktor, hindi lamang daw Kimmy Dora ang magbibigay sa kaniya ng experience pagdating sa pag-produce dahil marami pa siyang gustong matutunan. Mas gusto lamang daw ni Piolo Pascual na maging mas magaling pa siya sa kaniyang mga ginagawa. Nagpapasalamat din si Piolo sa bida ng kaniyang pelikula na si Eugene Domingo. Kung hindi umano dahil sa kaniya ay hindi rin umano magiging matagumpay ang kanilang pinaghirapang pelikula. Umaasa si Piolo Pascual na hindi lang si Kimmy Dora magtatapos ang kaniyang pagproduce.
Sa ngayon ay kasalukuyang naghahanap ng magagandang istorya at script ang kampo ng actor-producer. Hindi itinatanggi ni Piolo na inspired sila kasama ang kaniyang co-producers ng box-office hit kung kaya hindi pa rin sila tumitigil sa paghahanap ng magagandang pelikula. Inaasahan din ni Piolo Pascual na makakagawa sila ng tatlong pelikula ngayong taon kasunod ng Kimmy Dora. Pagtutulungan din naman umano ito ng aktor kasama si Joyce Bernal at aktres na si Uge. Gusto naman daw maging inspirasyon ni Piolo Pascual ang mga kasama niya sa Kimmy Dora.
0 comments:
Post a Comment