Hindi makausap ang beteranang aktres na si Nora Aunor dahil kasalukuyan pa rin itong nagluluksa sa pagkamatay ng kaniyang malapit na kaibigan na si Mario O’Hara. Pumanaw ang direktor, writer at aktor na si Mario noong June 26 dakonkg 12:30 ng tanghali. Ang direktor umano ang tumulong kay Nora para maging mas mahusay pa ito sa larangan ng pag-arte. Nagsimulang magkatrabaho sina Superstar Nora Aunor at Mario O’Hara sa klasikong war drama na pinamagatang Tatlong Taong Walang Diyos noong 1976. Halos pamilya na ang turingan nina Ate Guy at Mario sa isa’t-isa kung kaya malaking kalungkutan ang nadarama ng aktres sa pagkawala ng taong malapit sa kaniyang puso.
Simula nang ma-confine si Mario O’Hara noong Hunyo hanggang sa pagpanaw nito ay hindi pinagbawalan ng pamilya ng direktor na bumisita si Nora Aunor sa kaniya. Ang sanhi ng pagpanaw ng direktor ay ang sakit na leukemia. Nang mabalitaan ng aktres ang pagkamatay ng kaibigan ay halos hindi na umano ito makausap dahil wala ng boses kakaiyak. Ang huling naging proyekto nina Nora at Direk Mario ay ang mini-serye sa TV5 na Sa Ngalan Ng Ina.
Ang iba pang kolaborasyon na pinagsamahan ng dalawa aya ng mga pelikulang Kastilyong Buhangin (1980), Gaano Kita Kamahal (1981)Â Bakit Bughaw ang Langit? (1981), Condemned (1984) at ang Bulaklak sa City Jail (1984). Ito ang mga pelikulang tumatak sa mga tao kung kaya ito rin ang naging dahilan kung bakit naging mas malapit sa isa’t-isa si Nora Aunor at Mario O’Hara. Dalawang araw din daw na bumisita si Nora kay Direk Mario noong ito ay nasa ospital. Nang dumalaw na si Nora Aunor noong pangalawang araw ay dito na nagpasalamat sa kaniya si Mario O’Hara sa lahat ng mga pinagsamahan nila.
Nabanggit din umano ng direktor sa manager ni Ate Guy na kapag nawala siya ay umaasa siya na hindi iiyak ang mga ito. Nang sabihin ito ni Direk Mario O’Hara ay hindi na napigilan nina Nora Aunor na umiyak na parang mga bata. Binilin din daw ni Direk Mario sa manager ni Ate Guy na huwag pabayaan ang aktres. Hind alam ng beteranang aktres na ito na pala ang huling pagkakataon na magkikita sila ng kaniyang pinakamamahal na direktor.
Hiniling din ni Mario O’Hara na magkatipun-tipon ang kaniyang pamilya sa kaniyang cremation. Malaki ang pamilya ng direktor kung kaya napakaswerte umano ni Nora Aunor dahil tila bahagi na umano siya nito. Alam ng mga kamag-anak ni Direk Mario kung gaano sila ni Nora sa isa’t-isa kung kaya naiintindihan nila ang kalungkutan ng aktres sa pagkawala ng batikang direktor. Ang huling naging hiling ni Mario O’Hara sa kaniyang mga kamag-anak ay walang lamay na magaganap at  viewing lamang ng kaniyang mga abo ang masasaksihan ng mga kaibigan ng direktor na kinabibilangan ni Nora Aunor.Â
0 comments:
Post a Comment