Nagpapasalamat si Karylle sa lahat ng mga taong tumutulong na magdasal para sa kalusugan ng partner ni Zsa Zsa Padilla na si Dolphy. Ayon kay Karylle, hindi na madalas makita ang inang si Zsa Zsa sa telebisyon dahil mas gusto umano nito na makatabi ang may sakit na partner. Nilinaw ni Karylle na hindi siya makakapagbigay ng statement patungkol sa kalagayan ngayon ni Dolphy dahil pinili nina Zsa Zsa Padilla si Eric Quizon na maging tagapagsalita ng pamilya. Kapag may bakanteng oras umano si Karylle ay pinupuntahan niya ang inang si Zsa Zsa. Nagpapasalamat din si Karylle sa kaniyang mga pamilya sa It’s Showtime dahil pinayagan siya nitong lumiban ng dalawang araw para samahan ng beteranang singer sa ospital.
Naikuwento naman ni Karylle nang bilhan niya si Zsa Zsa ng cake sa ospital. Dahil umano sa sobrang stress ng kaniyang ina ay hindi na nito napigilan pa kumain ng cake kahit pa tinanggihan niya pa ito noong una. Wala naman umanong problema sa dalaga kung ang maiging role niya sa inang singer ay tagasubo ng cake. Nagsisilbi rin umanong pampagaan ng loob at kayakap si Karylle ni Zsa Zsa Padilla. Naiintindihan niya kung minsan ay hindi na naiintindi  ng kaniyang ina ang sarili dahil na rin umano sa kalungkutan na nagaganap sa paligid.
Bukas din ang mga anak ni Comedy King sa pagsabing hangang-hanga sila sa katatagan ng kasalukuyang partner ng ama na si Zsa Zsa. Ayon kay Karylle, kahit hindi nakikita ng tao ang kaniyang ina ay hindi naman umano ito nagkukulang sa pag-aalaga ng kaniyang partner. Bilib na bilib rin umano si Karylle sa tapang na ipinapakita ng kaniyang ina. Nakakaya naman umano ni Zsa Zsa Padilla ang pagsubok sa kanilang pamilya dahil na rin umano sa dasal at tulong ng mga tagahanga sa buong mundo sa Hari ng Komedya.
Sa ngayon ay maganda naman ang kinakalabasan ng treatment sa partner ni Zsa Zsa pero nanatili pa ring nasa kritikal na kondisyon. Kararating lang ni Karylle mula sa Monte Carlo Film Fetival kung saan nominado siya sa pagiging Best Actress. Bagamat hindi nauwi ng ni Karylle ang tropeo ay sigurdo naman daw siya na proud sa kaniya si Zsa Zsa Padilla dahil nakita nito kung  gaano niya pinaghirapan ang proyektong ito. Abala rin ngayon si Karylle sa kaniyang pagpo-promote ng music album.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment