Babalik na ang actress-host na si Anne Curtis sa kaniyang variety noontime show na It’s Showtime matapos ang isang buwan na pamamalagi sa Amerika para sa kaniyang bagong Hollywood project. Inaasahang babalik na si Anne sa It’s Showtime sa oras na dumating siya ng bansa sa Martes. Si Anne Curtis mismo ang nagkumpirma ng balitang ito sa pamamagitan ng kaniyang Twitter page.
Noong mga huling linggo ng May ay umalis ang dalaga patungong Los Angeles para simulan ang pelikulang pinamagatang Blood Ransom kung saan makakasama niya ang ilang Hollywood stars.
Sa halos isang buwang pananatili ni Anne Curtis sa Amerika at pagkawala sa It’s Showtime ay hindi niya nakalimutang mag-update sa kaniyang Twitter ng laht ng kaniyang ginagawa sa set ng pelikula. Ang direktor ng proyekto ni Anne ay ang kilalang si Francis dela Torre. Maging ang pagkakilala ni Anne Curtis sa Hollywood actress na si Jennifer Aniston ay ipinarating niya rin sa kaniyang mga fans. Noong Huwebes ay sinabi ng dalaga na malapit nang matapos ang shooting dahil halos tatlong araw na lang ang natitira at inaasahan na ito ang pinakamabigat na kaniyang gagawing eksena. Masayang-masaya naman ang dalaga dahil ang isa sa mga pangarap niya ay unti-unti nang natutupad.
Bago pa ang pag-alis ni Anne Curtis sa It’s Showtime ay tikom na ang bibig nito sa kaniyang bagong proyekto at sinabi lang sa publiko noong siya ay malapit nang umalis. Hindi nagtagal ay kumalat ang litrato para sa promotional ng pelikula ni Anne. Magkahalong lungkot at saya naman ang naramdaman ng mga kasamahan ni Anne Curtis sa It’s Showtime at maging ang mga manonood sa kaniyang pansamantalang pag-alis. Ang pagkakaroon umano ng isang Hollywood project ay ang matagal nang inaasam-asam ng dalaga sa kaniyang matagal na pag-aartista at ngayong natupad na ito ay hindi niya bibiguin ang kaniyang mga tagahanga. Nakatakdang ipalabas ang pelikula ni Anne Curtis sa Amerika ngayong 2013.
0 comments:
Post a Comment