Sa huling music video na ginawa ng singer na si Katy Perry para sa awiting Wide Awake ay makikitang suot niya ang gown na gawa ng Filipino designer na si Furne One. Kilala siya bilang Dubai-based Filipino designer na kamakailan lang ay nagkaroon ng fashion show sa Mega Pinoiy Pride event na inihandog ng Mega Magazine. Sa Facebook page ni Furne ay nilagay niya at ipinakita ang music video ni Katy na suot-suot ang kaniyang gawang damit.
Hindi alam ng marami na matagal nang binibihisan ni Furne One si Katy Perry para sa mga events at music video nito. Maging ang rapper na si Nicki Minaj, singer na si Natasha Bedingfield at supermodel na si Heidi Klum ay nabihisan na rin ni Furne.
Ang ilan sa mga design ni Furne One ay lumabas na rin sa iba’t-ibang international magazine katulad ng Industry at Tantalum kung saan lumabas ang kaniyang mga damit sa isang issue na may triple cover. Ipinagmalaki ng Filipino designer na ang suot ni Katy Perry sa naturang video ay ang kaniyang disenyong Amato Haute Couture.
Ang huling collection na ipinakita ni Furne ay ang pinangalanan niyang Matahari na nagkakahalaga umano ng halos P7 million dahil sa mga Swarovski crystals at ibang alahas na nilagay niya rito.Nagustuhan umano ni Katy ang disenyo ng damit ni Furne One dahil nababagay umano ito sa theme ng kaniyang video. Napakahalaga umano ang video na ito para kay Katy Perry dahil ipinakita niya rito ang pinakahamahalagang kabanata sa kaniyang buhay kung kaya isang malaking karangalan para sa Pinoy na gawin ito sa kilalang celebrity.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment