Ayon sa naging resulta ng pag-aaral ng World Boxing Organization (WBO) sa huling naging laban nina Manny Pacquiao at American boxer na si Timothy Bradley ay nanalo si Pacman sa laban na ito. Idineklara ng limang hurado sa binuong panel ng WBO ang pagkapanalo ni Manny sa naganap na June 9 boxing match laban kay Timothy. Matatandaang nakuha ni Timothy Bradley ang welterweight title kay Manny Pacquiao kamakailan lang. Ang limang hurado na nag-review ng nakaraang laban ng dalawa ay nagbigay ng kani-kanilang score mula sa Pacquiao-Bradley bout. Ang sumusunod na mga score ay 117-111, 117-111, 118-110, 116-112, and 115-113 kung sa saan lahat ay pabor kay Manny Pacquiao.
Inilabas ito ng presidente ng WBO na si Francisco “Paco” Valcarce bilang resulta ng re-scoring sa RingTV.com noong June 21. Sa panayam kay Manny ay ipinaabot nito ang kasiyahan sa balitang pagkapanalo niya laban kay Timothy. Ito na raw siguro ay hindi lang para sa kaniya kundi para mabigyan ng leksyon ang mga judges na gumagawa ng hindi patas na desisyon. Naniniwala si Manny Pacquiao na ang bagong desisyon sa naging laban nila ni Timothy Bradley ay magbabalik ang paniniwala ng mga tagahanga sa boxing na halatang nadismaya sa mga lumabas na resulta.
Ang orihinal na tatlong miyembro ng panel sa naging laban ni Pacman at Timothy sa MGM Grand, Las Vegas ay nagdesisyon na ang Amerikanong boksingero ang nanalo. Ang mga score na 115-113 ng mga huradong sina C.J. Ross at Duane Ford ang naging dahilan ng pagkapanalo ni Timothy Bradley kay Pacquiao. Ang hurado naman na si Jerry Roth ang natatanging pabor kay Pacman sa iskor na 115-113. Ayon kay Manny, nabigyan umano ng katarungan ang kaniyang pagkatalo mula kay Timothy. Nabanggit noon ng boksingero na wala siyang magagawa sa naging desisyon ng mga hurado dahil naniniwala siya na natalo niya talaga si Timothy Bradley sa kanilang laban.
Nagpapasalamat din si Pacman sa kaniyang mga fans dahil pinaglaban siya ng mga ito. Matapos ang naging laban noon ni Manny Pacquiao ay milyon-milyong mga Pilipino at iba pang mga tagahanga ng boksingero ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa naging desisyon ng mga hurado na kumalat pa sa pamamagitan ng mga social networking sites na Twitter at Facebook. Naging trending naman ang #RIPBoxing sa mundo ng Twitter dahil ang ilan sa mga boxing fans ay nagdesisyon na itigil na ang pagsuporta sa larong ito dahil sa hindi umano patas na pagkapanalo ni Timothy Bradley.
Pero ayon sa presidente ng WBO ay hindi nila pinapayagan na baliktarin ang naging desisyon sa naging laban nina Manny at Timothy.  Ang tanging magagawa lamang daw nila ay ang pumayag na magkaroon ng rematch sa pagitan nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley. Ayon umano sa kontrata ng dalawa ay inaasahan talaga na magkaroon ng rematch na naka schedule sa November 10. Pinasinungalingan naman ito ng Top Rank chief executive na si Bob Arum at iba pang mga opisyal dahil hindi raw matutuloy ang magiging rematch laban kay Timothy Bradley. Inaasahan na itutuloy na ni Manny Pacquiao ang kaniyang ika-apat na laban sa Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez ngayong December.
0 comments:
Post a Comment