Masaya ang binatang aktor na si Xian Lim dahil binigyan siya ng pagkakataon ng kaniyang mother network na magkaroon muli ng isang hosting job. Matatandaang ang huling naging proyekto ni Xian sa Kapamilya network ay ang teleseryeng My Binondo Girl na umani ng maraming papuri dahil sa ipinakita niyang mahusay na pagganap. Nasundan naman ito ng isang malaking hosting job sa Binibining Pilipinas 2012 na inamin naman ni Xian Lim na nakaramdam siya ng matinding kaba kung kaya mayroong mga maliit na pagkakamali siyang nagawa.
Makakasama ng binata sina Matteo Guidicelli at Dimples Romana sa pag-host ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp na magsisimula na sa Sabado, June 23 at mapapanood sa Kapamilya network. Ito na ang pangalawang pagkakataon ni Xian na magkaroon ng hosting job nang magsimula siyang pumasok sa industriya. Sa nakaraang Binibining Pilipinas ay iba’t-ibang feedback ang natanggap ni Xian Lim at kasama na rito ang mga hindi masyadong na-impress sa kaniyang ginawa.
Hindi naman daw umano masyadong iniisip ni Xian ang mga negatibong komento patungkol sa kaniyang pag-host sa naturang patimpalak. Ayon kay Xian Lim, nag-enjoy naman umano siya sa kaniyang kauna-unahang hosting job pero hindi itinanggi nakinabahan din dahil napakalaking event ito at halos libo-libong mga manonood ang nag-abang. Ngayon ay mas kumportable na raw ang binatang aktor sa kaniyang trabaho dahil bukod sa kaniyang mga makakasama ay nakakahawa raw ang kasiyahan ng mga batang contestant. Umaasa naman si Xian na magiging maganda ang pagtanggap ng tao sa kaniyang bagong hosting job dahil marami na rin umano siyang natutunan sa kaniyang nakaraang trabaho.
Itinuturing naman ni Xian Lim na constructive criticisms lang ang mga nakarating sa kaniyang negatibong komento patungkol sa kaniyang hositng job. Naniniwala ang Star Magic talent na mayroon pa ring pag-asa na mag-improve siya sa kaniyang ginagawang trabaho. Dahil sa pagsabak niya sa hosting job ay tinatagurian na umano si Xian bilang isang multi-media artist dahil bukod sa pag-host at pagkanta ay nahahasa na rin siya sa pag-arte. Aminado si Xian Lim na maganda pakinggan ang pagiging triple threat niya dahil sa pagpasok niya na hosting job. Kung yun naman umano ang ginagawang packaging sa kaniya ng ABS-CBN ay walang magiging problema sa binata dahil gagawin niya umano ang kaniyang makakaya.
Ayaw naman daw mamili ni Xian kung saan niya gusto mag-focus sa kaniyang mga trabaho dahil sa tingin niya naman ay makakaya niyang ipagsabay ang pag-arte, pagkanta at ang kaniyang bagong hosting job. Aminado si Xian Lim na gusto niya raw gawin ang lahat ng mga ito hanggang makakaya niya. Maituturing si Xian na isa sa pinaka-abalang stars ng Kapamilya network kung kaya nagpapasalamat siya sa ibinigay na oportunidad sa kaniya ng network. Excited na rin umano si Xian Lim sa mga maipapakita niya sa bagong proyekto na ipinagkatiwala sa kaniya.
0 comments:
Post a Comment