Sa kabila ng tagumpay ng aktor na si Paulo Avelino ay ang batikos na ayaw niya umano makatrabaho ang aktres na si Eugene Domingo. Kamakailan lang ay pumutok ang isyu na tinanggihan umano ni Paulo ang maging leading man ni Eugene sa isang stage play. Hindi raw ito natuloy kung kaya ang aktor na si Edgar Allan Guzman na lamang umano ang napili para makapreha si Eugene Domingo. Lumabas din ang mga espekulasyon na mas gusto umano ni Paulo Avelino na mas malaki ang kaniyang pangalan kesa sa komedyante pagdating sa billing.
Agad namang nilinaw ni Paulo Avelino ang isyung ito sa naganap na victory party ng kaniyang teleseryeng Walang Hanggan. Aniya, wala raw katotohanan ang kaniyang pagtanggi na maging leading lady si Eugene. Hindi lamang daw talaga kaya ng schedule niya ang gampanan pa ang pagiging leading man ni Eugene Domingo. Hindi niya naman daw matatanggihan ang kaniyang idolo pero ang schedule niya umano ang humahadlang sa kaniya. Maging ang akusasyon na humiling siya na kailangang mas malaki ang kaniyang pangalan kesa sa aktres pagdating sa billing ay pinasinungalingan din ng binata. Pinipilit naman daw ni Paulo na huwag nang magpaapekto sa isyu sa kaniya dahil alam niya umano sa kaniyang sarili na wala itong katotohanan at hindi niya raw ito magagawa kay Eugene.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment