Hindi itinanggi ni Bangs Garcia na ang singer-actor na si Kean Cipriano ang naging pinakamalapit sa kaniya habang ginagawa ang pelikulang The Reunion. Sa naunang panayam kay Kean ay nabanggit nito na nagkaroon sila ng magandang samahan ng kaniyang leading lady na si Bangs habang ginagawa nila ang pelikula. Si Bangs Garcia pa umano ang pinakamalapit sa kaniyang  cast kumpara sa ibang lalakeng artista na nakasama ni Kean Cipriano sa proyekto. Inamin din ng binata na may posibilidad na mainlove siya sa aktres at wala raw itong magiging problema sa kaniya. Madalas daw kasing magkausap si Kean at Bangs kung kaya mas marami silang bonding moments kumpara sa ibang mga cast.
Hindi naman daw sinasarahan ni Bangs Garcia ang posibilidad na magkatuluyan nga sila ni Kean Cipriano. Kahit pa abala ang dalaga ay nagbigay pa rin siya ng oras sa mga press para magbigay ng reaksyon patungkol sa kanilang mga katanungan. Kasalukuyang bumibida si Bangs sa afternoon teleserye na Kung Ako’y Iiwan Mo kasama si Jake Cuenca at Shaina Magdayao. Single naman daw ngayon si Kean kung kaya walang problema sa dalaga kung i-entertain niya ito sa panliligaw. Lahat naman daw ay posible para kay Bangs Garcia at lahat naman daw ay may timing para kay Kean Cipriano.
Ang isa sa mga nagustuhan ng dalaga sa Callalily vocalist ay ang kakaibang sense of humor nito. Wala raw malungkot na oras kapag kasama ni Bangs ang binatang si Kean. Click na click din daw ang kanilang personalidad lalo na at pareho silang may artistic side. Unang nakilala si Kean Cipriano sa kaniyang pagiging lead singer ng kaniyang banda samantalang si Bangs Garcia naman ay marunong naman sa painting. Pareho pa silang nasa larangan ng pag-arte kung kaya swak na swak umano ang kanilang mga hilig. Dahil dito ay mayroon umano silang maibabahagi sa isa’t-isa para pareho nilang matutunan.
Nilinaw naman ni Bangs na wala naman daw talaga siyang ideal man dahil sapat na raw umano sa kaniya ang pagiging gentleman ng isang lalake at ang pagkakaroon nito ng takot sa Diyos. Ang mga katangiang daw ito ay nakikita ni Bangs Garcia sa katauhan ni Kean Cipriano. Gusto raw kasi ni Bangs na may matutunan siya sa isang lalake dahil na rin sa pagiging madaldal niya ay gusto niya makasabay rin ito sa kanilang pagkukwentuhan. Ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho ng dalaga si Kean. Agad namang nagkaroon ng koneksyon ang dalawa sa isa’t-isa kung kaya hindi na sila nahirapan sa pag-adjust. Wala raw pinagsisisihan si Bangs Garcia sa kanilang unang tambalan ni Kean Cipriano.
0 comments:
Post a Comment