Malaki ang pasasalamat ng binatang si Kristoffer Martin dahil sa mga magagandang reviews na natanggap ng kaniyang Cinemalaya entry na Oros. Gumanap si Kristoffer bilang Abet na isang kapatid ng saklaan operator na ginampanan naman ni Kristoffer King. Ang kuwento ay umiikot sa buhay ng magkapatid na bumibili ng bangkay para pagkakitaan ito sa pekeng lamay. Ito ang unang pagkakataon ni Kristoffer Martin na gumawa ng isang Cinemalaya film sa kaniyang career. Masaya siya dahil bumagay raw sa kaniya ang role dahil nagmukha raw talaga siyang taga Tondo.
Hindi raw inakala ng aktor na ang ginamapanan niya sa Cinemalaya film ay magagawa niya nang maayos. Pinag-aralan naman daw ni Kristoffer ang kilos ng kaniyang karakter lalo na ng mga tao sa Baseco. Dahil ito ang unang pagkakataon na gagawin ito ng aktor ay nais nitong magkaroon ng magandang impresyon mula sa mga manonood. Ibang-iba raw ang pelikula ni Kristoffer Martin sa Cinemalaya kumpara sa ginagawa niya sa telebisyon. Sa set umano ng Oros ay wala nang ginagawang pag-ayos sa katawan ang binata para mas epektibo umanos a mukha ng manonood ang kaniyang karakter.
Umaasa ang aktor na ang kaniyang pagpasok sa Cinemalaya ay magbigay sa kaniya ng pagkakataon na makakuha muli ng ganitong klaseng mga roles. Ang 17-taong-gulang na si Kristoffer Martin ay handang pumasok sa mga mature at magagandang roels dahil gusto niyang masubukan ang lahat ng karakter. Nagsimula sa kaniyang Cinemalaya entry ang kaniyang pinakabagong role pero tumanggi siya didiretso na siya sa pagpapa-sexy.
0 comments:
Post a Comment