Tila nauwi na sa pagkakaibigan ang samahan ng dating magkasintahang Jason Francisco at Melai Cantiveros. Noong nakaraang July 27 ay sabay na dumating sina Jason at Melai sa red carpet event ng Benchingko short films ng Bench. Ayon kay Melai Cantiveros, magkasabay umano sila ni Jason Francisco dahil ayaw nila mapahiya kapag mag-isa silang dumating at walang makasama. Nasanay na rin daw ang dalawa na laging magkasama kapag pumupunta sa iba’t-ibang event. Parehong endorsers ng Bench si Melai at Jason na dating mga Pinoy Big Brother housemates.
Ipinagmamalaki ni Melai Cantiveros na napanatili pa rin nila ni Jason Francisco ang kanilang pagkakaibigan kahit pa wala na silang relasyon. Ang tanging nawala lang naman sa dalawa ay ang kanilang intimate relationship. Pinasinungalingan din ng dalaga ang balitang nililigawan umano siya ng isang Azkal player. Aniya, kasinungalingan daw ang balitang iyon dahil wala raw siyang manliligaw matapos nitong makipaghiwalay kay Jason. Magkatext lamang daw sila nito at hindi nanliligaw sa dalagang komedyante. Aminado naman si Melai Cantiveros na may pag-asa ang football player kung sakaling ligawan siya dahil magandang lalake naman daw ito.
Naitanong naman kay Jason Francisco ang isyung panliligaw ng ibang lalake sa dati niyang nobya matapos ang kanilang relasyon. Wala naman daw problema ang binata rito dahil maganda naman ang samahan nilang dalawa at nakapag-move on na sa isa’t-isa. Nang matanong naman ang patungkol sa posibilidad ng pagbabalikan ay agad itong sinagot ni Melai. Aniya, hindi naman umano nila hawak ang kanilang hinaharap pero mas mahalaga pa rin daw ay ang kasiyahang nararmdaman nila ngayon.
Maging si Jason Francisco naman ay hindi rin alam kung ano nga ang magiging kinalabasan ng kanilang pagkakaibigan ni Melai Cantiveros. Itinanggi rin ni Melai ang balitang nililigawan siya ng kaibigan nila ni Jason na si Ryan Bang. Nagbiro pa ito at sinabing malaki ang ulo ni Ryan at baka madaganan umano siya. Magkaibigan lamang daw sila ng binata at bunso pa raw ang turing nila dito ni Jason Francisco. Naniniwala si Melai Cantiveros na marami lamang ang nauugnay sa kaniya dahil alam ng mga tao na wala na siyang nobyo.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment