Matapos ang ilang buwang pagsabak ni Khalil Ramos sa pag-arte ay aminado ito na naging kumportable na siya sa kaniyang leading lady na si Kathryn Bernardo. Alam naman daw ng lahat kabilang si Kathryn na baguhan lamang si Khalil sa pag-arte dahil mas nakilala ito sa kaniyang pag-awit. Nagkaroon na rin daw ng technique si Kahlil Ramos pagdating sa pagbuo ng koneksyon sa kaniyang mga kasama sa teleserye partikular na kay Kathryn. Gumaganap ang binata bilang best friend ng aktres na may gusto sa kaniya.
Magandang samahan na rin ang nabuo nina Khalil Ramos at Kathryn Bernardo dahil madalas na silang lumabas na magkasama. Kapag naka-standby naman daw sila sa set ay madalas silang magkausap ng dalagang si Kathryn. Madalas daw itanong kay Khalil ng dalaga ang patungkol sa teknolohiya. Aminadong techie guy si Khalil Ramos kung kaya sa kaniya humihingi ng tulong ang co-star pagdating sa mga bagong gadget. Ipinagmamalaki rin ng binata na hindi sila nag-away ni Kathryn Bernardo at hindi nagkagalit.
Nasurpresa rin si Khalil dahil marami raw supporters ang karakter nito na si Kiko na gustong makatuluyan ang ginagampanang karakter ni Kathryn na si Mikay. Hindi niya raw ito inaasahan kahit iba-iba ang audience nilang tatlong leading man ng dalaga. Nagpapasalamat naman si Khalil Ramos dahil sa mga supporters nila ng karakter ni Kathryn Bernardo sa una pa lamang na lumabas ang kaniyang karakter. Alam umano ng binata na marami rin ang nakakarelate sa kaniyang nararamdaman bilang isang lalake na napamahal sa kaniyang best friend.
Hindi pa naman daw nararamdaman ni Khalil sa totoong buhay ang pinagdadaanan ng kaniyang karakter kung saan hindi mapantayan ni Kathryn ang kaniyang ipinapakita na pagmamahal. Aminado si Khalil Ramos na mabigat sa pakiramdam ang kaniyang ginagampanan. Isiniwalat naman ng binata na magpapatuloy pa rin umano ang kaniyang pagpursige kay Kathryn Bernardo kahit pa alam nitong wala na siyang pag-asa. Umaasa rin ito na sana ay hindi malungkot ang kaniyang mga tagahanga sa itatakbo ng istorya nila ng kaniyang bestfriend.
0 comments:
Post a Comment