Magsasama na sa unang pagkakataon sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa primetime teleserye na Luna Blanca. Kamakailan lang ay nagdiwang si Barbie ng kaniyang ikaw-15 kaarawan at hindi umano siya nakalimutang bigyan ng bulaklak ng bagong leading man na si Derrick. Nagulat daw ang dalaga dahil pagkagaling nito sa Rockwell ay ibinigay sa kanilang tahanan ang regalo ng binatang aktor. Kinausap na pala ni Derrick Monasterio ang ina ni Barbie Forteza kung kaya nagawa nitong pumunta sa tahanan ng dalaga para ibigay ang kaniyang regalo.
Unang pagkakataon daw ito ni Derrick na makapunta sa tahanan ni Barbie. Bukod dito ay ito rin daw ang kauna-unahang pagkakataon na makatanggap ng bulaklak si Barbie Forteza mula sa isang lalake. Binigyan din siya ni Derrick Monasterio ng jacket na Gap kung kaya talagang nasurpresa ang dalaga sa mga regalo nito. Masaya naman si Barbie dahil kay Derrick niya natanggap ang kaniyang kauna-unahang bulaklak dahil siya raw ang huling naisip ng aktres na magbibigay ng ganitong klaseng regalo. Hindi naman daw iniisip ni Barbie Forteza na nagdadalaga na siya dahil nabibigyan na siya ng bulaklak sa kaniyang batang edad na 15. Birthday gift lamang daw ang iniisip ng aktres sa iniregalo sa kaniya ng leading man at wala ng iba.
Nilinaw naman ni Barbie na iba ang kanilang relasyon ni Derrick kumpara sa kaniyang dating leading man na si Joshua Dionisio. Ilang taon ding nagsama ang batang aktres at si Joshua sa iba’t-ibang proyekto ngunit napagdesisyunan ng management na paghiwalayin muna sila para bigyan ng pagkakataon na makasama ang iba pang artista. Ang mahalaga raw para kay Barbie Forteza ay ang friendship na nabuo nila ng dating ka-love team. Ganun din daw ang tingin nito sa kanilang samahan ni Derrick Monasterio lalo na at marami pa silang pagkakataon para magsama at magkakilala.
Dalawang linggo lamang daw nagkasama noon si Barbie at Derrick sa Tween Hearts at nakilala niya ito bilang isang kolokoky. Ngayong lamang daw nabigyan ng pagkakataon si Barbie Forteza makilala ang totoong Derrick Monasterio. Marami rin daw nalaman si Barbie patungkol sa totoong personalidad ni Derrick at hindi niya akalain na may ganito pa lang tinatagong ugali ang bianta. Kaya natutuwa rin ang dalagang aktres dahil kitang-kita niya ang pagiging gentleman, professional at sweet na aktor ang partner.
Aminado naman si Barbie Forteza na unang tingin nito kay Derrick Monasterio ay mayabang dahil hindi niya ito nakakasama noon sa kaniyang serye. Madalas din daw seryoso ang mukha ng binata kung kaya nag-aalangan din noon ang aktres na pansinin ito. Hindi raw akalain ngayon ni Barbie na kalog at masiyahin din si Derrick taliwas sa kaniyang mga napansin noon. Niregaluhan din daw ni Barbie Forteza ang leading man nitong si Derrick Monasterio noong nagdiwang ito ng kaniyang kaarawan sa kanilang set.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment