Sa bagong pelikula na pagbibidahan ni Albie Casiño na may pamagat na The Animals ay sinasabing bagay na bagay umano sa kaniya ang karakter na kaniyang ginagampanan. Si Albie ay gumaganap na happy-go-lucky sa pelikula o walang pakialam na estudyante. Nilinaw naman ni Albie Casiño na hindi naman ibig sabihin na ibinigay ang role sa kaniya ay ganoon na siya sa totoong buhay.  Aniya, kahit anong role ay pwede niyang gawin bilang isang artista. Binatikos din umano na bagay na bagay sa kaniya ang titulo ng pelikula na The Animals dahil tinuturing na siya na “animal” ng ilang mga tao dahil sa ginawa niya sa nobyang si Andi Eigenmann. Tanggap na rin nama daw ng binatang si Albie ang mga negatibong impresyon sa kaniya ng maraming tao.
Tumanggi naman si Albie Casiño na pag-usapan ang huling kaguluhang kinasangkutan niya sa isang bar sa Makati. Mas gusto raw ng aktor na pag-usapan na lang ang pelikula niyang The Animals na entry para sa Cinemalaya. Kumakalat naman ang mga espekulasyon na may relasyon sila ng kaniyang co-star sa The Animals na si Dawn Balagot. Itinanggi naman ito ni Albie at iginiit na wala pa siyang bagong karelasyon. Mas pinagtutuunan naman daw ng pansin ngayon ni Albie Casiño ang kaniyang pag-aaral ngayong siya ay nasa kolehiyo na. Kasalukuyan siyang kumukuha ng Business Major in Export Management De La Salle College of St. Benilde.
Bago pumasok ay tinapos muna ng aktor ang kaniyang pelikulang The Animals. Ito ang pelikulang ginawa ni Albie matapos pumutok ang balitang siya ay isa nang batang ama.  Mapapanood ang kanilang entry sa Cultural Center of the Philippines ngayong July 20 hanggang 29. Wala sanang entry si Albie Casiño sa naturang filmfest pero nabigyan sila ng pagkakataon nang ang isa sa mga indie film ay nagkaroon ng problema nang mag-backout ang mga producer. Dahil dito ay naipasok bilang New Breed entry ang The Animals.
Isang magandang karanasan umano para kay Albie ang kaniyang paggawa ng pelikula. Ang The Animals ay tungkol sa buhay ng mga high school students at mga pinagdaanan nila nang sila ay tumanda. Isa si Albie Casiño sa mga mahahalagang karakter sa pelikula. Nadalian naman si Albie sa kaniyang karakter sa naturang pelikula at nilinaw na hindi bad boy ang kaniyang ginampanan kundi isang happy-go-lucky lamang na estudyante. Bilib na bilib naman si Albie Casiño sa ginawa ng kanilang direktor na si Gino Santos. Nang makita niya raw ang trailer ng The Animals ay hindi niya inakala na magiging ganun ang resulta ng kanilang ginawang pelikula.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment