Hindi makakalimutan ni Kim Chiu ang pinagsamahan nila ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa kanilang pelikulang The Healing. Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sa isang proyekto si Kim at Vilma. Aminado ang dalagang aktres na nakaramdam siya ng kaba nang magkaroon sila ng kanilang kauna-unahang eksena ng batikang aktres. Nagpasalamat naman si Kim Chiu dahil sa una nilang eksena na magkasama ay walang ibinigay sa kaniyang linya. Ayaw naman daw kasi mapahiya ng dalaga sa harap ni Vilma Santos na kilala bilang isa sa mga pinakamagaling na aktres sa bansa.
Ikinuwento ni Kim na madalas siyang yayain ni Ate Vi sa dressing room nito kapag wala silang eksena. Aminado si Kim Chiu na nahihiya raw siya kay Vilma Santos kung kaya minsan ay nasa labas lamang siya ng dressing room nito kahit na madalas siyang papasukin nito. Nabanggit din ng batikang aktres na mahiyain daw talaga ang dalagang si Kim kaya kung minsan ay hinihila niya pa ito para lang pumasok sa kaniyang dressing room. Minsan ay nagpapaalam si Kim Chiu na pupuntang CR pero hindi na babalik dahil sobrang hiya nito kay Vilma Santos.
Personal choice si Kim ni Ate Vi dahil tumatak daw ito sa kaniya nang maging guest siya sa isang TV special ng ABS-CBN kung saan nagpakita ng galing ang dalaga sa pag-arte. Nagustuhan din daw ni Vilma Santos ang pagiging “raw” ni Kim Chiu pagdating sa harap ng kamera. Nang malaman daw niya na ang multi-awarded actress ang kaniyang makakasama sa bagong proyekto ay hindi na raw siya nagtanong sa kaniyang handler kung ano ang kaniyang magiging role dahil sapat na raw na si Ate Vi ang kasama niya.
Marami rin siyang natutunan sa kanilang trabaho ni Vilma Santos dahil bilang isang baguhang artista ay mas gusto raw ni Kim Chiu na magkaroon ng pagkakataon na matuto mismo mula sa mga batikan sa industriya. Pagdating sa pagiging propesyunal na artista ay malaki raw ang naiutong ng pelikula nila ni Ate Vi rito. Hinangaan din ni Kim Chiu si Direk Chito Roño dahil sa mga nakakabilib nitong galing sa pagiging direktor.
Â
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment