Inamin na ng batikang aktres na si Helen Gamboa na nagkita na sila ng kaniyang pamangkin na si Sharon Cuneta. Napabalita noon ang naging tampuhan nina Helen at Sharon dahil umano sa pulitika. Si Helen Gamboa ay kapatid ng ina ng Mega Star na nagsilbi na ring pangalawang ina nito. Lalo pang lumaki ang tampuhan noon nina Sharon Cuneta nang hindi umano sinuportahan ni Tito Sotto na asawa ng kaniyang auntie ang asawa ng host-actress na si Kiko Pangilinan para maging Senate President noong 2010. Noong buwan ng May ay inamin ni Sharon na nagkaroon na sila ng komunikasyon ng kaniyang tita Helen matapos ang ilang buwan ng hindi pag-uusap.
Si Sharon Cuneta raw mismo ang pumunta sa tahanan ni Helen Gamboa kung kaya tuwang-tuwa ito dahil nagkabati na sila ng kaniyang pamangkin. Hindi naman daw nagbago ang pagtingin ng aktres sa anak ng kaniyang ate dahil lamang sa isang tampuhan. Halos dalawang taon na hindi nag-usap ang mga ito ngunit napagdesisyunan na nila na tapusin na ang kanilang hindi pagkakaintindihan. Aminado si Helen na hindi naman daw talaga maaalis ang misunderstanding sa pagitan nila ni Sharon dahil kahit papaano ay isa pa rin silang pamilya. Parehong senador ang mga asawa nila kung kaya lalo pa itong naging kumplikado. Kahit ano naman ang mangyari ay mamahalin pa rin daw ni Helen Gamboa si Sharon Cuneta na parang isang tunay na anak.
Hindi naman daw pinaalam nina Helen sa kaniyang ate at ina ni Sharon ang nangyaring hidwaan sa pagitan nila. Aniya, matanda na ang kaniyang kapatid para problemahin pa ang mga isyu nila ni Sharon Cuneta. Hindi na rin daw ito makakabuti sa kalusugan ng kapatid ni Helen Gamboa kaya hindi na nila ito ipinaalam pa sa kaniya. Sa isang panayam noon sa Mega Star ay inamin niya na hindi niya kayang tiisin ang kaniyang tita na tinatawag niyang Mommy. Si Helen umano ang tumulong sa ina ni Sharon para palakihin siya kung kaya nagsilbi na rin itong magulang sa kaniya.
Una raw na nag-text si Sharon Cuneta kay Helen Gamboa para ipaalam na gusto niyang ayusin ang kanilang tampuhan. Napaiyak naman daw si Helen dito dahil natutuwa siya at naging mapagkumbaba ang pamangkin sa mga nangyari. Ayon kay Sharon, responsibilidad niya umano na igalang ang kaniyang auntie dahil ito raw ang nararapat. Ayaw niya rin naman daw na magtagal pa ang kanilang hindi pagkakasunduan. Sa huli ay isa pa rin naman daw pamilya sina Sharon Cuneta at Helen Gamboa. Sa ngayon ay mas gusto umano nina Helen at Sharon na magtulungan na lamang sila at isantabi na ang mundo ng pulitika sa kanilang personal na buhay. Balik na rin naman sa dati ang dating relasyon nina Sharon Cuneta at Helen Gamboa matapos ang kanilang pagbabati.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment