Inamin ng binatang aktor na si Carl Guevara na isa siya sa mga masugid na manliligaw ni Kris Bernal. Kinumpirma ni Carl na nakausap niya si Kris sa mall show nito sa Cebu noong nakaraang linggo at nabigyan siya ng pagkakataon na makausap ang dalaga. Hindi naman itinanggi ni Carl Guevara na sa pagpasok niya sa Kapuso network ay malaki na talaga ang kaniyang paghanga kay Kris Bernal ngunit hindi lamang nakaporma dahil mainit pa ang love team ng dalaga kay Aljur Abrenica. Nilinaw naman ng binatang aktor na nirerespeto niya ang loveteam noon ni Kris kung kaya hindi na muna siya nanligaw dito.
Matagal na rin daw na hindi nagkausap sina Carl Guevara at Kris Bernal kung kaya sinamantala na ng binata ang pagkakataon na makapag-usap sila nang maayos ng dalaga sa Cebu.
Ang isa sa mga hinahangaan ni Carl kay Kris ay ang pagiging mabait at masiyahin nitong dalaga. Inamin din ng aktor na pinapadalhan niya ng mga bulaklak si Kris Bernal. Para kay Carl Guevara, naghihintay lamang siya ng tamang timing para hindi umano maapektuhan ang trabaho nila ng aktres sa kaniyang panliligaw. Sa ngayon ay maganda naman daw ang tinatakbo ng panliligaw ni Carl kay Kris at kitang-kita sa mukha ng binata na kinikilig ito sa tuwing nababanggit ang pangalan ng dalaga. Umaasa naman si Carl Guevara na mabibigyan siya ng pagkakataon ni Kris Bernal na magkakakilala pa sila nang husto. Ipinarating naman ni Carl ang kaniyang mensahe para kay Kris at sinabing kung kinakailangan daw ng aktres ng kaibigan ay lagi niyang matatakbuhan ang binata.
Hindi naman apektado si Carl sa mga napapabalitang may bagong nobyo na si Kris ngayon. Kasalukuyang nauugnay si Kris Bernal sa kaniyang co-star na si Mark Herras. Una nang itinanggi ng dalagang aktres ang mga lumalabas na espekulasyon patungkol sa kanila ng dancer-actor dahil kaibigan lamang daw ang turingan nila sa isa’t-isa. Napag-usapan din iyon nina Carl Guevara at naniniwala siyang walang katotohanan ang mga lumalabas na balita. Aminado naman si Carl na wala siya sa lugar para magselos sa mga lalakeng nauugnay ngayon kay Kris dahil nanliligaw pa lamang daw siya at hindi pa naman nobyo ng dalaga. Sa ngayon ay kuntento at masaya na raw si Carl Guevara dahil nakausap niya na si Kris Bernal.Â
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment