Tila masayang-masaya na si Rhian Ramos sa piling ng napapabalita nitong nobyo na si KC Montero. Ayon kay Rhian, ayaw niyang lagyan ng label ang kanilang relasyon ni KC dahil na rin gusto niya itong mapanatiling pribado. Bukod dito ay mas gusto na rin daw ng tahimik na personal na buhay ni Rhian Ramos para maiwasan na ang gulo at mga paninira mula sa ibang mga tao. Bagamat hindi naman daw masyadong pinag-uusapan ay hindi rin naman nila itinatago ni KC Montero kung ano ang meron sila sa publiko. Wala naman daw talagang itinatago si KC at Rhian sa kanilang mga tagahanga patungkol sa tunay nilang estado.
Maging sa kanilang mga Twitter account ay naging bukas sa pagpapahayag sina Rhian Ramos at KC Montero ng kanilang mga nararamdaman sa isa’t-isa kahit alam nilang marami ang makakabasa nito. Pinapakita naman daw ng dalaga at ng DJ kung saan sila pumupunta at kung sila ay magkasama sa pamamagitan ng social networking site na ito. Ipinapaubaya na ni Rhian sa mga followers niya kung ano ang nakikita nila sa mga pagpapalitan nila ng mensahe ng binatang si KC. Marami ang nakapansin dahil til bukas na si Rhian Ramos na pag-usapan ang kaniyang bagong buhay pag-ibig sa DJ at host na si KC Montero. Aniya, masaya siya at proud kaya hindi niya ikinakahiya ang ang kaniyang karelasyon.
Kinumpirma naman ni Rhian na ang kasalukuyang estado nila ni KC ay exclusively dating. Hiling ni Rhian Ramos ay kausapin din ng mga press si KC Montero patungkol sa kanilang relasyon. Aminado ang dalagang aktres na masaya na siya matapos ang mga pinagdaanan niyang pagsubok sa kaniyang personal na buhay at career. Sa ngayon ay mas focus na si Rhian sa kaniyang career at binabalanse niya naman sa personal niyang buhay. Napansin din ni Rhian Ramos na tila tumahimik na rin ang mga taong naninira ng kaniyang buhay kung kaya kitang-kita sa dalaga na masaya at kumportable siya sa piling ni KC Montero.
Hindi naman daw nagusutuhan ni Rhian ang mga nangyari kamakailan lang sa mundo ng Twitter na may kinalaman sa mga taong naugnay sa kaniya noon. Balitang nagkaroon ng sagutan ang dating nobyo ni Rhian Ramos na si Mo Twister at ang kapatid ni KC Montero na si Troy Montero. Napahiya raw si Rhian sa mga taong malapit sa kaniya dahil nadamay pa sila sa gulo. Hindi raw din kasi nagustuhan ng dating nobyo ni Rhian Ramos ang pakikipagrelasyon sa kaibigan niyang DJ na si KC Montero. Marami naman daw talagang natutunan ang aktres sa kaniyang mga pinagdaanan. Kasama na rin daw dito ang pagiging kalmado sa oras ng mga kaguluhan.
0 comments:
Post a Comment