Ngayong nagiging abala na rin si Saab Magalona sa harap ng telebisyon ay lumalabas ang balita na nagkakaroon umano sila ng inggitan ng kaniyang kapatid. Ang nakakatandang kapatid ng dalaga na si Maxene Magalona ang unang pumasok sa industriya. Itinanggi naman ni Saab na nagkakaroon sila ng alitan ng kapatid na si Maxene. Aniya, masaya sila sa isa’t-isa dahil magagandang proyekto ang ibinibigay sa kanila ng Kapuso network. Excited na rin daw si Saab Magalona para sa iba niya pang kapatid na pumasok na rin sa Showbiz katulad ni Frank Magalona na makakasama niya sa kaniyang serye. Hindi naman daw sigurado ang dalaga kung makakaeksena niya ang kapatid na lalake sa kanilang programa.
Inamin din ni Saab Magalona na personal request niya ang gumanap sa mga kontrabida roles dahil iniiwasan niya rin na makumpara siya sa kapatid na si Maxene Magalona. Parehong may teleserye ang dalawa at ang madalas na karakter ni Maxene ay ang inaaping bida kung kaya gusto naman ni Saab na pasukin ang pagiging kontrabida para makita ng tao ang pagkakaiba nila ng kaniyang kapatid. Hindi naman daw nakikipagkumpetensya si Saab sa kaniyang nakakatandang kapatid na si Maxene. Minsan nga raw ay humihingi pa si Saab Magalona ng advice kay Maxene Magalona patungkol sa pag-arte. Malapit din umano ang magkapatid sa isa’t-isa kung kaya malabo umano na mag-away sila dahil lamang sa kanilang mga proyekto. Mas mahalaga raw ngayon sa kanilang pamilya ay nagtutulungan sila para sa tagumpay ng isa’t-isa.
Ito ang pangalawang proyekto ni Saab Magalona kung saan isa siya sa mga gumaganap na kontrabida. Bagamat parehong aktibo sa telebisyon ang dalawang magkapatid ay hindi pa rin sila nabibigyan ng pagkakataon na magsama sila sa iisang proyekto. Aminado naman si Saab na isa sa mga dahilan ng magandang pagtanggap sa kanila sa showbiz ay dahil sa kanilang yumaong ama na si Francis Magalona. Nagpapasalamat si Saab Magalona dahil tinatangkilik sila ng mga tao kahit na wala na ang kanilang ama. Si Maxene Magalona ay abala rin sa kaniyang serye na pagbibidahan sa GMA-7 na pinamagatang Faithfully.
Tinanong naman si Saab patungkol sa balitang may gap umano ang kapatid niyang si Maxene sa isa pang Kapuso star. Ang tinutukoy dito ay ang alitan umano nina Maxene Magalona at sexy actress na si Bubbles Paraiso. Una nang nilinaw ni Maxene na naging malapit lang sila ni Bubbles dahil na rin sa dati niyang nobyo. Ayon naman kay Saab, naging abala na ang kaniyang kapatid sa bago nitong teleserye at nais din ibalik ang samahan nito sa kaniyang dating niyang mga kaibigan. Nilinaw naman ni Saab Magalona ang isyu ng inggitan umano sa pagitan nila ni Maxene Magalona. Aniya, hindi sila pinalaki ng kanilang mga magulang para mainggit sa tagumpay ng isa’t-isa kundi sinanay raw sila na magpasalamat sa mga naaabot ng mga kapatid sa kanilang mga career.
Naniniwala naman si Saab Magalona na maaaring gumagawa lamang ng istorya ng mga tao para lamang pag-usapan ang kapatid niyang si Maxene. Nabanggit na noon ng panganay na Magalona na mas focus siya ngayon sa kaniyang trabaho at hindi muna iniisip ang kaniyang buhay pag-ibig. Aminado naman si Maxene Magalona na nasanay siya noon na sa bawat proyekto niya ay mayroon siyang nobyo kung kaya hati ang kaniyang atensyon sa trabaho at personal na buhay.  Para kay Saab Magalona, kung may galit ngang nararamdaman ang kaniyang kapatid ay nasabi na ito sa kaniya pero wala naman daw itong nababanggit.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment