Pumapasok na sa paaralan ang anak nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia na si Alex Jazz pero nagkakaroon pa rin umano ng problema ang dalawa sa kanialng anak. Itinanggi ni Jennylyn na mayroon silang tampuhan ni Patrick dahil hindi na nakakabisita ang aktor sa kanilang anak. Aniya, maaaring busy lamang daw si Patrick Garcia kung kaya hindi na nito nagagawang puntahan ang anak dahil maging siya raw ay abala na rin sa kaniyang bagong proyekto.
Nilinaw naman ng singer-actress na si Jennylyn Mercado na bumibisita pa rin ang ama ng kaniyang anak sa kanilang bahay para makita ang batang si Jazz.
Kinumpirma mismo ni Jennylyn na hindi sa kaniya nagtetext si Patrick patungkol sa kanilang anak kundi sa kaniyang ina. Gustong linawin ni Jennylyn Mercado na hindi niya pinagbawalan si Patrick Garcia na makipag-text sa kaniya dahil desisyon umano ng aktor kung sino ang gusto nitong itext patungkol sa kaniyang anak. Last week lang huling nagkasama ang mag-ama  pero iginiit ni Jennylyn na maaaring busy lang talaga sa kaniyang schedule si Patrick kung kaya hindi na ito madalas pumunta sa kaniyang anak.
Pinamagatang Hindi Ka Na Mag-Iisa ang bagong panghapong serye ni Jennylyn Mercado kung kaya naitanong a kaniya kung may pangyayari ba sa kaniyang buhay na naramdaman niyang siya ay nag-iisa. Inamin ng aktres na naramdaman niya ang pag-iisa nang mabuntis siya at wala si Patrick Garcia sa kaniyang tabi. Para kay Jennylyn, hindi naman daw maiiwasan na maramdaman iyon sa isang relasyon at noong mga panahong nagbubuntis siya ay naramdaman niya raw talaga ang matinding pag-iisa. Bagamat wala si Patrick sa kaniyang tabi ay pinaparamdam naman daw ng kaniyang pamilya na hindi siya nag-iisa sa mga panahong ito.
Nang dumating naman si Luis Manzano sa buhay ng aktres ay masasabi nito na nakapag move-on na siya sa mga nangyari. Relax na rin daw ang puso ni Jennylyn Mercado mula sa paghihiwalay nila noon ni Patrick Garcia kung kaya hindi naging mahirap sa kaniya ang pagtanggap ng bagong lalake na muli niyang mamahalin. Matatandaang nagkaroon pa ng hindi magandang relasyon noon sina Jennylyn at Patrick pero nauwi rin sa pagkakasundo. Pinayagan na rin ni Jennylyn Mercado na makita ni Patrick Garcia ang kanilang anak.
Sa panayam noon kay Patrick ay nabanggit nito na malaki na ang pagbabago sa kaniyang buhay nang dumating ang kaniyang anak. Mas gusto na rin daw kasing pag-ipunan ni Patrick Garcia ang magiging kinabukasan ni Jazz. Aminado ang binata na madalas ang kaniyang pag gimik noong binata pa lamang siya. Kinausap naman daw ni Jennylyn Mercado ang aktor sa pagpili ng paaralan ng kanilang anak. Ngayon ay mas naging maganda na raw ang samahan nina Patrick at Jennnylyn bilang mga magulang sa kanilang anak at bilang magkaibigan. Ngayong parehong may trabaho na sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado sa telebisyon ay sinisigurado naman daw nila na hindi nila mapapabayaan ang kanilang oras para sa anak.
0 comments:
Post a Comment