Kamakailan lang ay napanood si Cristine Reyes na humihingi ng tawad sa kaniyang nakakatandang kapatid na si Ara Mina sa harap ng kamera. Â Sa The Buzz ginawa ni Cristine ang kaniyang public apology para sa kaniyang Ate Ara. Bagamat maraming Pilipino ang nakasaksi ng paghingi ng tawad ni Cristine Reyes sa kapatid ay tila hindi pa rin natatanggap ni Ara Mina ang ginawang ito ng kaniyag kapatid. Ayon sa Twitter account ni Ara, naging stiff apology raw ang ginawa ni Cristine kaya hindi niya nakitaan ng sensiridad ito. Matatandaang hiniling ni Ara Mina na magkaroon ng public apology si Cristine Reyes dahil umano sa mga taong nadamay nito sa kanilang naganap na awayan noon.
Idinaan na lamang ni Cristine ang kaniyang paghingi ng tawad sa pamamagitan ng apology letter na dumaan din sa kaniyang abogado kung kaya inaprubahan itong ilabas sa print media. Umaasa naman si Cristine Reyes na matapos na ang sigalot sa pagitan nila ni Ara Mina. Maging ang ibang kamag-anak ng dalawa ay gustong magkaayos na ang magkapatid dahil pati ang ina nila ay nahihirapan na rin sa sitwasyon. Aminado naman ang dalagang aktres na si Cristine na marami na ang nadamay sa kanilang problema ng kaniyang Ate Ara. Nagpakumbaba na rin daw si Cristine Reyes at humingi na ng tawad kung kaya nalulungkot siya  dahil tila kulang pa ito kay Ara Mina.
Humingi na rin daw si Cristine ng tawad sa mga taong kaniyang nadamay sa gulo nila ni Ara. Nalulungkot din daw si Cristine Reyes dahil kinailangan pang umabot dito ang problema na akala niya ay sa pampamilya lamang. Hindi inakala ng Kapamilya actress na lalaki ng ganito ang kanilang tampuhan ni Ara Mina. Ginawa na umano ni Cristine ang kaniyang makakaya para lamang maayos na ang problema nila pero tila ang kaniyang ate pa raw ang ayaw na mangyari ito.
Matagal na rin daw gustong mapag-usapan ni Cristine Reyes ang issue nila ni Ara Mina para raw makapag-explain at magkaintindihan silang dalawa. Aniya, tila hindi pa ata handa makipag-usap at makipagkita in private ang kaniyang ate para subukang maayos ang mga bagay-bagay. Ilang beses na rin daw siya nagpadala ng text messages sa kaniyang Ate Ara para magkausap at magkaharap na silang dalawa. Nalulungkot naman si Cristine dahil hindi sinasagot ng kaniyang kapatid ang kaniyang mga pinapadalang mensahe sa kaniya. Alam ni Cristine Reyes na hindi na naging maganda ang tingin sa kaniya ng publiko simula nang magkaroon ng demandahan sa pagitan nila ni Ara Mina.Â
0 comments:
Post a Comment