Hindi kaila kay Daniel Padilla na marami ang katulad niyang teen actors ang may malaking paghanga kay Kathryn Bernardo kung kaya maaaring ito raw ang dahilan kung bakit naging possessive ang binata. Nilinaw naman ni Daniel na wala siyang karapatan para maging possessive kay Kathryn dahil hindi niya naman daw nobya ang dalaga. Aminado si Daniel Padilla na natatakot siya na magustuhan din ni Kathryn Bernardo ang ibang lalakeng magkagusto sa kaniya. Ayaw naman daw ni Daniel na harangan ang ibang nagkakainteres kay Kathryn dahil ayaw niya namang angkinin ang dalaga dahil hindi niya pa alam kung saan mapupunta ang kaniyang panliligaw sa dalaga.
Hindi naman daw maiiwasan ni Daniel na magustuhan si Kathryn ng ibang lalake lalo na at magandang babae naman daw ito. Sinigurado naman ni Daniel Padilla sa mga media na wala siyang ibang babaeng gusto kundi si Kathryn Bernardo lamang na kaniyang leading lady sa teleseryeng Princess And I. Pinasinungalingan din ng binatang aktor ang balitang madaming babae ang humahabol sa kaniya. Umiiwas na rin si Daniel sa mga katanungan patungkol sa ibang babae dahil mas gusto niyang maitanong lamang kay Kathryn. Sa album launch noon ng binata ay nabanggit niya na dalawa sa mga awitin nito ay iniaalay niya sa kaniyang leading lady.
Naitanong naman kay Daniel Padilla kung ano ang mga nagustuhan niya kay Kathryn Bernardo bukod sa pagiging mabuti nitong tao. Hindi itinanggi ng binata na nagustuhan niya ang mga mata ni Kathryn dahil pinapakita umano nito ang kaniyang totoong emosyon. Lahat naman daw ng mga katangian panlabas at panloob ni Kathryn Bernardo ay nagugustuhan ng binata. Hindi lamang panlabas na anyo ang gustong-gusto ni Daniel Padilla sa kaniyang co-star. Aminado si Daniel na mainitin umano ang kaniyang ulo at si Kathryn lamang daw ang nagpapangiti sa kaniya sa mga panahong ito. Sapat na raw na makita ng binata ang aktres dahil natatanggal nito ang kaniyang pagod at lungkot.
Hindi pa naman daw nagsasabihan ng “I love you” ang dalawang Kapamilya stars. Hindi pa rin naman umano nawawalan ng pag-asa si Daniel Padilla na masusuklian din ni Kathryn Bernardo ang kaniyang ipinapakitang pag-alaga at pagtingin dito pagdating ng tamang panahon. Walang kasiguraduhan ang binatang aktor kung MU o mutual understanding ang estado ng kanilang relasyon ngayon ng aktres pero umaasa pa rin siya na pareho rin ang nararamdaman ni Kathryn sa kaniya. Hindi naman daw kasi tinatanong ni Daniel sa dalaga kung MU nga ang kanilang estado. Ang huling naging mensahe ni Daniel Padilla para kay Kathryn Bernardo ay ang pasasalamat nito sa ibinibigay na inspirasyon ng dalaga sa kaniya.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment