Kumakalat ang balitang may relasyon nga sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz tulad ng mga espekulasyon. Kasalukuyang may proyektong ginagawa sina Angelica at Lloydie sa Star Cinema kung kaya inaasahan na umano ng aktor na mauugnay ang kaniyang pangalan sa dalaga. Si Angelica Panganiban din daw ang naging dahilan ng hiwalayan ni John Lloyd at ng kaniyang nobyang si Shaina Magdayao.Kamakailan lang ay namataan naman si Angel at Lloydie sa isang condominium lobby na naghahalikan. Matagal nang naibabalita na madalas nang makitang magkasama ang dalawa.
Isang Twitter user naman na nagngangalang @mommieangelove ang nagsabing nakita niya si John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na sweet sa isa’t-isa habang nasa bahay ng aktres. Pati ang dating nobyo ng aktres na si Derek Ramsay ay nabanggit pa ng Twitter user. Aniya, huwag na raw itanggi ng actor-host na walang third party sa naganap na hiwalayan nila ni Angelica dahil nakita na umano nila ang ebidensyang pagtataksil ng dalaga. Nagbigay din ng mensahe ang hindi kilalang Twitter user  kay Angelica at sinabing nakita niya itong nakikipaghalikan kay John Lloyd. Nagawa pang magreply ni Derek sa naturang tweet at sinabing trabaho lamang daw ang ginagawa ng dalawa.
Ilang buwan na ang nakakaraan simula nang maghiwalay si Angelica at Derek. Hindi nagsalita si Angelica Panganiban patungkol sa isyu. Noong May 4 ay kinumpirma ng binata sa Twitter account niya na tuluyan na nilang tinapos ang anim na taon nilang relasyon ng aktres. Nilinaw niya rin na hindi third party ang dahilan nang kanilang paghihiwalay. Kumpirmado rin ng mga oras na iyon ang pakikipaghiwalay ni John Lloyd Cruz sa kaniyang nobya. Matatandaang noong nakaraang taon ay nagkaroon na ng problema ang relasyon ni Lloydie at Shaina pero sinasabing nagkabalikan naman daw ang dalawa matapos nilang mag-usap nang maayos. Nang masangkot ang pangalan ng aktor sa dalagang si Angelica Panganiban ay ilang buwan na rin daw itong hiwalay sa kaniyang dating nobya.
Hindi pa tumigil ang nasabing Twitter user at sinabing madalas niyang nakikitang bumibisita si Angelica at John Lloyd sa condo unit ng binata. Hatin-gabi na rin daw kung umuwi si Angelica Panganiban matapos nitong mamalagi sa bahay ng aktor. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng reaksyon at kumpirmasyon si Angelica Panganiban patungkol sa isyu na kaniyang kinasasangkutan kabilang na ang tunay na dahilan ng kanialng paghihiwalay ng dating nobyo.  Ang pelikulang ginawa ng aktres at John Lloyd Cruz sa ibang bansa ay bahagi ng 20th anniversary special ng Star Magic .
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment