Sa gitna ng espekulasyon ng pagkakaroon ng relasyon nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson ay bigla na lang lumabas ang isyung hindi na nagkakamabutihan ang dalawa. Lumabas din ang isang blind item kung saan hindi na umano tinuloy ni Gerald ang panliligaw kay Sarah dahil nakatuon na raw ang atensyon nito sa bagong babae. Sa magkahiwalay na panayam ay nabanggit ni Sarah Geronimo na wala silang karapatan sa isa’t-isa ni Gerald Anderson. Nilinaw niya na hindi niya nobyo ang binata kung kaya wala siyang karapatang magselos kung sino man ang babae nitong magustuhan.
Naging bukas na noon si Gerald Anderson patungkol sa panliligaw niya kay Sarah Geronimo. Maging ang dalaga ay naging bukas rin sa usapin na mas malalim na ang kanilang relasyon ng aktor.
Sa ngayon ay parehong single sina Sarah at Gerald na parehong abala sa kanilang mga trabaho. Tikom ang bibig ni Gerald Anderson patungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng singer na si Sarah Geronimo. Matatandaang gumawa ng dalawang pelikula ang dalawa na pumatok naman sa takilya. Tulad ng sinabi ni Sarah sa kaniyang interview ay nabanggit din ni Gerald na wala siyang karapatan na magdemand o magselos sa mga nauugnay na ibang tao sa dalaga.
Lalo pang lumakas ang bulungan na tila hindi na maganda ang relasyon ng dalawa nang hindi raw ito magpansinan sa premiere night ng pelikulang Born To Love You. Pumunta si Sarah Geronimo sa naturang pelikula para suportahan ang kaniyang kaibigang si Angeline Quinto. Hiwalay na dumating Gerald Anderson sa naturang event at sinabing hindi na sila nagkausap pa ng singer dahil sa dami ng tao.
Tila lumalabo naman daw ang posibilidad na magkatuluyan ang dalawa dahil sa kani-kanilang mga abalang schedule. Balita naman na masusundan pa ng pangatlong pelikula ang tambalan ng dalawa dahil kamakailan lang ay ginanap na ang story conference ng kanilang pelikula. Iginiit naman ni Sarah sa kaniyang interview na magkaibigan pa rin naman daw sila ni Gerald. Ayon kay Sarah Geronimo, walang halong showbiz ang sinabi niya sa interview patungkol sa kanilang estado ng relasyon ni Gerald Anderson.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment